^

PSN Showbiz

Alex natupad ang pangarap na makasama ang pamilya sa honeymoon

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Alex natupad ang pangarap na makasama ang pamilya sa honeymoon
Alex Gonzaga at Mikee Morada

Naibahagi ni Alex Gonzaga sa kanyang YouTube channel ang naging bakasyon ng buong pamilya sa Amanpulo kamakailan. Nagplano ang aktres makapagbiyahe kasunod ng pagpapakasal kay Mikee Morada. Ito na rin ang nagsilbing honeymoon ng mag-asawa na tinawag naman ni Alex na ‘Familymoon’ sa kanyang vlog.

Nakasama nina Alex at Mikee sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy Gonzaga, ang nakatatandang kapatid na si Toni Gonzaga at ang mga-ama nitong sina Paul Soriano at Seve. “Sa totoo lang dahil hindi naman kami mahilig sa beach ni Mikee. Hindi ito magiging super sayang experience without mommy at daddy kasama si Seve. Thank you Lord for this wonderful trip for me and my parents and of course my husband,” nakangi­ting pahayag ni Alex.

Labis ang kasiyahang nararamdaman ng aktres dahil maaari nang makasama si Mikee ngayon sa mga magiging bakasyon ng pamilya. Noon kasing magkasintahan pa lamang ay hindi pinapayagan si Mikee na makasama kapag mayroong biyahe ng ilang araw ang pamilya ni Alex. “Dati pinapangarap ko lang talaga makasama si Mikee sa family vacation namin. Kaya right after our wedding, I planned this family trip dahil papayag na sina mommy dahil kasal na kami. I am sharing this to all of you netizens. Because of your support, I was able to bring my whole family here in Amanpulo. Thank you for all the love and for joining me in this journey. Love you all from the Gonzagas, Sorianos and Moradas,” paglalahad ni Alex.

Kasal nina Andi at Philmar, nakadepende sa pandemya

Masayang-masaya si Jaclyn Jose dahil sa pagkakaroong muli ng apo mula kay Andi Eigenmann. Matatandaang isinilang ni Andi ang pangalawang anak nila ng kasintahang si Philmar Alipayo noong isang linggo. “Happy ako kasi healthy si Andi and healthy ‘yung baby. Sobrang I am so blessed with work, with healthy children and apos. Kasi ‘yon lang naman ang prayers ko, ‘yung ‘wag magkasakit,” bungad ni Jaclyn.

Ibinahagi rin ng aktres kung gaano kasaya at kapayapa ang pamumuhay ngayon ni Andi sa probinsya kasama si Philmar at ang tatlong anak. “Yes, they are genuinely happy. They’re just living their life to the fullest. Ayaw nila ng negative. They don’t watch news, they don’t watch things that make them think. Ako na bahala doon, kumbaga ako na ang bahala doon. I am sparing them from knowing things around them plus the fact that Andi doesn’t like really mga negative things,” kuwento niya.

Ayon kay Jaclyn ay sa susunod na taon pa mangyayari ang pagpapakasal nina Andi at Philmar. “Pretty sure in Siargao. May pandemic pa, so tapusin muna ‘yan. Everything will depend on pandemic eh. Nakasalalay ang binyag, ang lahat,” pagtatapos ng beteranang aktres. Reports from JCC

vuukle comment

ALEX GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with