Maja, nasilaw sa malaking tf ng Brightlight

Maja

‘Yung drama noon na kaya lang pumayag si Maja Salvador na tanggapin ang alok ng Brightlight Productions na sumama sila sa Sunday show ay dahil sa love nila si Mr. M o direk Johnny Manahan ay hindi pala ganun katotoo.

Kasi kung iisipin mo, ‘yung talent fee na ibinigay kay Maja na doble sa tinatanggap niya sa ABS-CBN ang maaari ring dahilan kung bakit hindi siya nag-stay sa Channel 2. Puwede na mas nasilaw siya sa laki ng tf kaya kahit pa nga pinipigilan siya para gawin sana ang serye nila ni Richard Gutierrez ay hindi siya nagpapigil. ‘Yung drama na hindi niya puwedeng tanggihan si Mr. M, parang mas maliwanag ngayon na hindi niya natanggihan dahil nga very tempting ang offer.

Katawa-tawa ngayon ‘yung mga paeklay na dahil kay Mr. M, bakit hindi na lang sinabi na sayang ‘yung tf? Or gusto n’yo, give n’yo rin ako ng ganu’n kalaking tf. Practical lang naman na masilaw ka ‘pag inalok ka nang mas malaki, pero kainis din kasi ‘yung drama na dahil hindi mo mahindian ang isang tao dahil mahal mo, eh mas maliwanag naman ang dahilan.

Now, alam na natin na hindi porke maraming followers, sikat sa social media, susundan sila sa TV. Now, hindi rin totoo ‘yung mahina ang signal, hindi maabot ‘yung malalayong lugar, ‘pag talagang panonoorin, susundan ng viewers. Iyon ngang mga replay na show, mga ­anime, cartoons, maraming nagwa-watch ‘pag gusto nila, bakit hindi pinanood ‘yung dancing ni Maja Salvador? Tapos ang laki pa ng tf, hah hah.

Ayan, tsugi tuloy ang show. 

Bimby, bodyguard na ni Kris ang peg

May mga gumagawa rin siguro nung sinasabi ni Bimby na sinusuot ng mommy Kris Aquino aniya ng mga jewelry nito sa pagtulog. Kasi nga naman, hindi lumalabas at laging nasa bahay lang kaya siguro dapat pahanginan din ang pearls jewelry niya. Cute talaga ang closeness ni Kris sa mga anak na sina Joshua at Bimby, iyon bang ang conversation nila talaga ay parang mga mature people na nag-uusap, kaya naman tingnan mo ang level ng maturity ni Bimby, parang adult kung magsalita at kumilos.

Ang ganda rin na kahit noong very busy si Kris, talagang meron siyang time sa mga anak niya, one thing na talagang hahangaan mo sa kanya.

Now na happy si Joshua sa Tarlac, talagang ang nagbabantay kay Kris ay si Bimby, kaya naman parang bodyguard ito na nakikita ang mga ginagawa ng mother niya.

Suwerte ng future wife ni Bimby ha, kasi ­imagine mo ‘yung pag-aalaga niya sa mother niya, ‘yung love din na iyon ang ibibigay niya sa future wifey niya, bongga.

Naku sure ako, ayaw ni Kris ito hah hah, bata pa nga naman si Bimby at iyon na ang nasa isip ko, erase muna. Gusto pa ni Kris na magtagal ang pag-aalaga sa kanya ng dalawa niyang boys.

Show comments