^
Showtime at Magandang Buhay may âhintâ sa TV5?!
Showtime at Magandang Buhay

Showtime at Magandang Buhay may ‘hint’ sa TV5?!

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2021 - 12:00am

Parang may hint na mapapanood din sa TV5 ang Magandang Buhay at It’s Showtime. Ito ay matapos umapir sa ASAP sina Vice Ganda, Vhong Navarro and Jhong Hilario at ang momshies na sina Jolina Magdangal, Melai Cantiveros and Karla Estrada.

Hmmm..., ano nga kayang chance ng Magandang Buhay? Puwede kasing ipalit ang programa sa Chika, Besh! na hindi na nag-renew ng contract sa network.

Though ang LOL (Lunch Out Loud) ay malabo pa raw matsugi at palitan ng Showtime dahil sa commitment sa host kung saan balitang naka-advance na nga ang talent fee ni Billy Crawford for two seasons at kahit paano naman daw ay may mga commercial ito pero ang baba raw kasi ng rate card ng programa so hindi rin halos nakaka-recover sa expenses ng production.

‘Yun daw kasi ang problema ng Brightlight Productions saka hindi naman daw basta-basta nakakasingil kaya wala talagang pumapasok na pera, lahat palabas.

So ano nga kaya?

Pero ang isang sure, ang taas ng energy ni Vice kahapon sa ASAP na naka-red dress at binati pa ang mga Kapuso.

Samantala, todohan nga ang naging episode ng ASAP kahapon na first time napanood sa TV5 at nag-live sila though obvious na-tape na ang production number ng pag-welcome ng programa kay Janine Gutierrez na officially ay ipinakilalang Kapamilya na. “This is the first time I’ve been inside a studio here. Surreal, parang panaginip talaga. I am just so happy that everything has fallen into place. It’s a new year, new opportunities,” sabi ni Janine matapos niyang maka-duet sina Martin Nievera, Gary Valenciano and Ogie Alcasid.

Parang nakaka-disorient lang pag nag-try kang maglipat ng channel kahapon, bukod sa All-Out Sundays ng GMA 7, ASAP ‘Natin To ang mapapanood sa Kapamilya Channel and A2Z.

Who would have thought na magiging Kapatilya - Kapatid / Kapamilya - sila.

MAGANDANG BUHAY SHOWTIME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with