^
Joshua, muntik layasan ang kapamilya
Joshua

Joshua, muntik layasan ang kapamilya

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2021 - 12:00am

Hindi nakasama si Joshua Garcia sa iba’t ibang rally sa kasagsagan ng pagdinig sa Kongreso ukol sa prangkisa ng ABS-CBN noong isang taon. Ayon sa aktor ay suportado naman niya ang Kapamilya network kahit hindi siya naramdaman sa mga isinagawang rally. “Tinanggap ko sa sarili ko na magsasara ‘yung kompanya. Meron pa ring trabaho, ilan-ilan pero hindi tulad ng dati. Hindi ako pumunta doon sa mga rally, pero nakasuporta ako. Mini-message ko pa si Tita Cory (Vidanes) na nasa likod lang nila ako,” pagtatapat ni Joshua.

Maraming Kapamilya stars ang nakapagtrabaho sa ibang TV network mula nang maipasara ng Kongreso ang ABS-CBN. Naisipan na rin daw noon ni Joshua ang posibilidad ng pagtatrabaho sa ibang bakuran. “Sumagi sa isip ko pero hindi ko magawa. Ibang relationship ‘yung na-build ko with ABS eh. Parang naging pamilya ko sila. Parang hindi ko kayang iwan. Mananatili na ‘yung loyalty ko na sa ABS. Siguro nadala lang ako kasi magsasara na ‘yung ABS, tapos may pandemic pa, kailangan ko kumita ng pera para sa pamilya ko. Eventually magiging okay din lahat eh, unti-unti,” paliwanag ng aktor.

Osang, pangarap makatrabaho si Mega

Ngayong nasa pangangalaga na ng Viva Artists Agency si Rosanna Roces ay nangangarap ang aktres na makatrabaho si Sharon Cuneta. Ayon kay Osang ay talagang noon pa niya gustong makasama sa isang proyekto ang Megastar. “Jusko! Sino ba naman ang hindi papayag na makatrabaho si Mega? Kahit isang araw lang, Mega ‘yan. Nag-guest ako sa show niya before. Pumunta pa siya sa bahay ko to interview me. Malaking bagay sa akin ‘yon. Hindi basta-basta ginagawa ‘yon ng kahit sinong host. I think may naka-line up na movie si Daryl Yap (direktor) for Mega. Nagkaroon lang siya ng conflict kay Mega. Gusto ni Daryl na makasama ako doon,” kuwento ni Rosanna.

Nakatakdang magbida ang aktres sa movie remake ng Pieta ngayong taon. Gaganap naman bilang anak ni Rosanna sa bagong proyekto si ­Diego Loyzaga. “Magaling din ‘yang batang ‘yan,”giit niya.

Bukod sa Pieta ay gagawin din ni Osang ang remake ng Insiang na pinagbidahan ni Hilda Koronel apat na dekada na ang nakalilipas. “Kaagaw ko sa lalaki ‘yung bading na anak ko,” pagbabahagi ng aktres.

Umaasa si Rosanna na muling tatangkilikin ng mga manonood ang kanyang mga pelikula. Matatandaang nama­yagpag ang karera ng kontro­bersyal na aktres dahil sa mga makabuluhang pelikulang kanyang nagawa mahigit dalawampung taon na ang nakalilipas. “Wala akong hesitation, no limitation at wala rin akong inhibition noon. ‘Yung Patikim Ng Pinya na ni-review ni Butch (Francisco) as soft porn, dumami na ang nanood sa akin. Mayroong mga babae. Kahit naka-wheelchair, pumunta sa sinehan. After that nabigyan ako ng corporate image sa Ligaya Ang Itawag Mo Sa Akin at ng talent fee na lumampas ng one million. Kahit hindi ko naman hiningi, pero binigay. Pangatlo, La Vida Rosa kasi doon ako nakakuha ng major award from Urian,” paglalahad niya. (Reports from JCC)

JOSHUA GARCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with