^

Guwapong male singer na suki sa basketball, pamilyadong coach ang karelasyon

UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2021 - 12:00am

Pinagtatakahan ng mga usisero sa mundo ng basketball kung bakit madalas makita sa ensayo at mismong laban ng isang team ang isang kilalang male singer.

Wala siyang sinusundong courtside reporter, may kani-kanyang karelasyon na ang mga babaeng tagapagbalita, sino ang pinagkakaabalahang bantayan du’n ng male singer?

Kuwento ng aming source, “Usung-uso ang relasyon ng artista at players, di ba? May mga male personality na ang girlfriend, e, mga volleyball players!

“Meron namang mga babaeng artista na basketball players ang karelasyon. Hindi na bago ‘yun kung tutuusin, e! Pero sino ang binabantayan ng male singer?” umpisang pagbibigay ng impormasyon ng aming source.

Guwapo ang male singer, marami siyang kinakabog sa kaguwapuhan, pero palaging may kakambal na pagdududa sa gender niya ang marami.

“Kahit nu’ng kasagsagan ng singing career niya, e, marami nang nagdududa sa kasarian niya. May natatandaan ba kayong kahit sinong female personality na na-link sa kanya?

“Ang mga ka-contemporary niyang male singers, e, puro pamil­yado na, pero siya, hanggang ngayon, e, wala pa ring asawa. Lampas na siya sa age ng pagpapamilya, e!

“Bakit? ‘Yun ang tanong ng mga usisero. Guwapo siya, mula pa sa mayamang pamilya, pero bakit wala pa rin siyang asawa? Ano ang dahilan?” na­ngungulit pang tanong ng aming source.

Minanmanan ng mga usi ng mundo ng basketball ang kanyang mga galaw. Sa dami ng mga teams na naglalaban-laban ay bakit sa isang koponan lang bumabantay ang guwapong male singer?

Kuwento uli ng aming impormante, “Talagang tinutukan siya ng mga usisero mula sa umpisa ng laro hanggang sa huling segundo. Kahit sa practice, minarkahan din siya.

“Juice colored, nakakaloka ang nadiskubre nila! Hindi courtside reporter, hindi rin kilalang basketball player ang sinusundo niya!

“Isang coach! Mismo! Isang coach nga! Kiyemeng ninong kuno siya ng anak ni coach, kaya very close sila! Nalaman ng mga usisero na matagal na palang sila!

“Kaya naman pala kahit humawak lang ng bola, e, walang alam ang guwapong male singer, pero palagi siyang nagbababad sa laban ng paborito niyang team! Si coach pala ang dahilan!

“Alam kaya ni coach na nakasiping din ng isang male personality nang ladlad sa kanyang kabaklaan ang male singer? Bantay-salakay ang male singer?” nalolokang pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

‘Walang namumuhunan na gustong matalo’

Sa pagkakaalam namin ay magkaibigan at parehong Ilonggo sina direk Johnny Manahan at Congressman Albee Benitez. Magkakasangga rin sa pulitika ang kanilang mga pamilya.

Nakakapanghinayang na dahil sa hindi pagkakaintindihan ay mauuwi sa wala ang pagkakaibi­gang matagal na nilang iniingatan.

Naiintindihan namin ang mag­kabilang panig. Ang kapitalistang kongresista at ang mapagmamahal sa kanyang trabahong direktor. Pareho silang may katwiran.

Walang namumuhunan na gustong matalo. Negosyo ang pagpoprodyus, gaano man kabilyonaryo ang negosyante ay siguradong aaray na kapag milyunang halaga ang natatalo sa kanya, kailangan niyang magsarado ng libro ng kanyang nasasayang na salapi.

Ang ipinagtataka lang namin ay bakit pinabaya­ang malunod si Congressman Benitez sa pinasok niyang negosyo? Naturingang may mga tao siyang kinuha para magbantay pero parang ang mga taong ‘yun pa ang nagbaon sa kanya sa pagkalugi?

Ang pangsarili lang ba nilang kapakanan ang inintindi nila porke kumikita sila nang daan-daang libo kada buwan? Hindi man lang nila pinagmalasakitan ang kapitalistang nalulubog na sa kumunoy ng pagkalugi?

Triple pala ng talent fee na tinatanggap nina Piolo Pascual at Maja Salvador sa ABS-CBN ang tinatanggap nila mula sa Brightlight Productions sa bawat episode. Sa panahon na pandemya na dapat nga ay mas maliit ang talent fee, pero tumriple pa, ano ‘yun?

Bakit pumayag ang bantay ni Cong. Albee sa ganu’n katinding pagsasayang ng pera? Ano ang ginawa nilang tulong sa kapitalista kung ganu’n ang naging kalakaran?

Saku-sako man ang perang nakaparada para pagkunan ng puhunan ni Congressman Albee, sa katagalan na wala namang sapat na bumabalik sa kanyang puhunan ay mauubos din ‘yun, masasaid din ang kapitalista.

Inuulit namin, negosyo ang pagpoprodyus sa pelikula man o telebisyon, walang kapitalistang yayakapin ang daang milyong pagkalugi na parang balewala lang.

Malaking kalokohan ‘yun.

BASKETBALL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with