^
Brightlight nalugi na, sinisisi pa
Albee
STAR/ File

Brightlight nalugi na, sinisisi pa

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2021 - 12:00am

Hanggang ngayon hindi maisip ni Papa Albee Benitez na siya na ang nalugi siya pa ang sinisisi at lumalabas na bad boy.

Of course kahit sinong negosyante gusto na tuluy-tuloy ang show hanggang puwedeng ituloy, pero kung hindi naman umaangat sa rating bakit hindi mo itutuloy.

Tapos iyon discovery na halos lahat pala binabayaran mo nang mas malaki pa sa kinikita nila noon, siyempre you feel betrayed and cheated. Kaya hindi ako mabibigla kung maisip ni Papa Albee na ibigay nang lahat ng airtime niya sa TV5 sa ABS-CBN at sososyo na lang siya para mas makuha pa ang fair deal na hindi niya nakuha sa mga nego niya sa Brightlight.

Ewan ko kung bakit hindi nabantayan ni Pat-P Daza ang mga naganap na negosasyon ng Brightlight Productions samantalang siya ang trusted lady ng Brightlight.

Nagbabayad ng malaking salary sa mga employee niya si Papa Albee pero parang hindi niya nakuha ang protection na dapat ibigay sa kanya, kaya hindi kataka-taka na medyo disappointed siya at ngayon nga nag-SOS na sa trusted niyang si Mama Marivic na siya ngayon naglatag ng mga nakita niyang loopholes sa mga programa ng Brightlight.

Mahirap ang sitwasyon...

Ang hirap siguro ng dalawang beses eh nagkaroon ng problema iyon workplace mo. I can just imagine iyon feeling of anxiety ni Pat-P una ‘yung problema sa franchise ng ABS-CBN, at kung saan papasok pag nagsara ang network. Bigla namang naging very lucky siya na that moment, nagbukas ng production si papa Albee Benitez, so safely nagkaroon siya ng bagong high paying job as lady of Brightlight.

Now medyo shaky na naman dahil nga sa aside from nalulugi nga ang kumpanya, heto at feeling betrayed and cheated pa si Papa Albee.

Siyempre may anxiety / fears na naman na baka iwanan na ni Papa Albee ang tv/movie production eh saan nga naman pupunta uli si Pat-P.

Ang hirap talaga ng ganyang sitwasyon, kasi nga wala iyon stability of tenure na gusto mo.

Ang laki kasi ng nasa balikat ni Pat-P, iyon hindi niya alam kung tatawaran niya iyon talent fee o go lang dahil kaya naman bayaran. Sino bibigyan niya protection, iyon mga dati niya kasamahan sa network o itong bago niya trabaho sa Brightlight?

Kaya dahil nga hindi naging maliwanag ang parameter kung saan dapat, hayan ang laki ng cost of production, pati iyon operational sa office siyempre included iyon sa costing kaya ang laki ng kinain sa puhunan at hindi nakaya.

Imagine, nalulugi na ang kumpanya, may half month salary bonus pa, di ba parang abuso na.

Imagine mo, ang host mo meron advance payment na hiningi na binigay agad, ewan ko kung bakit pero marami ngang loopholes kasi na-disco­ver na siyang dahilan ngayon ng shaky position ng Brightlight.

Inasahan kasi ni Papa Albee na si Pat-P ang magiging guide niya sa mga tamang transactions o decision, ewan natin kung ano nangyari.

Hay naku, basta, wait and see na lang tayo.

TV5
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with