^
Vice at Ion, maghihiwalay na kapag humantong na sa bugbugan
Vice at Ion
STAR/ File

Vice at Ion, maghihiwalay na kapag humantong na sa bugbugan

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2021 - 12:00am

Mula nang aminin sa publiko ang kanilang relasyon ni Vice Ganda ay marami nang narinig na mga negatibong komento si Ion Perez tungkol dito. Aminado ang aktor na masakit sa pakiramdam sa tuwing nadadamay ang kanyang pamilya sa mga sinasabi ng netizens. “’Yung sinabihan din ‘yung nanay ko na mukhang pera, ‘yun ang pinakamasakit sa akin. Sa akin, okay lang, tanggap ko ‘yon. Pero ‘yung sa nanay ko, parang nakasama ko ‘yon, alam ko ang ugali noon, nakasama ko sa hirap, hindi naman gano’n ‘yon. ‘Yun ang pinakamasakit na narinig ko sa tao na sinabi nila,” pagtatapat ni Ion sa video blog ni Vice.

Ayon naman kay Vice ay talagang iniiyakan pa ni Ion noon ang mga masasakit na salitang naririnig tungkol sa kanilang relasyon. “Ngayon tinatawanan niya na lang, dati iniiyak niya ‘yan,” pahayag ng komedyante.

Sa ngayon ay talagang ini-enjoy lamang nina Vice at Ion ang kanilang pagsasama. Para kay Vice ay posibleng magkahiwalay lamang sila ng aktor kapag dumating ang panahon na nagkakasakitan na nang pisikal. “Kapag ayaw na namin, ‘yon ang pinakaposible (maging dahilan ng hiwalayan). Ang imposible pero rukrukan na ‘yon na maghihiwalay kami, kapag nagbubugbugan na kami. ‘Yung pisikal na sakitan, hindi talaga pwede. Ayaw niya rin ng ganoon,” pagtatapat ni Vice.

Kathniel tumitibay ang relasyon sa masasarap na pagkain

Umaasa si Daniel Padilla na matutuloy ang paggawa nila ni Kathryn Bernardo ng isang bagong teleserye ngayong taon.

Para sa aktor ay kailangan na nilang makagawa ng kasintahan ng proyekto para sa mga tagahangang matagal nang nananabik na muli silang mapanood sa telebisyon. “Sana matuloy na ‘yung project na niluluto para sa amin. Sana within the year magawa ‘yon dahil marami na ring nag-aantay at marami na rin nag-aabang. Kami siyempre ‘yung istorya na binigay sa amin parang nakaka-excite na rin siya gawin,” bungad ni Daniel.

Halos isang dekada nang magkarelasyon sina Kathryn at Daniel ngayon. Kahit matagal nang magkasintahan ay hiling ng aktor na mas maging matibay pa ang kanilang relasyon ni Kathryn. “Sana kami tumatag pa at lalo pa kaming magtulungan, magbigayan ng pasensya. I think sa amin, ang pinaka-importante as individual is ‘yung health nating lahat. ‘Yung health ang pinaka-importante sa atin. Alagaan natin ang mga sarili natin, ‘yung kalusugan natin. Siyempre kapag tayo lahat malusog at healthy, magagawa pa natin ang lahat ng gusto nating planuhin,” paliwanag ng aktor.

Ano nga ba ang sikreto upang mapanatiling matibay at maayos ang relasyon nina Kathryn at Daniel? “Pagkain, ‘yan ‘yung sikreto sa isang relationship, ‘yung pagkain, magsalu-salo. Masarap na pagkain, masarap na usapan is the best,” nakangiting pagbabahagi ng binata. (Reports from JCC)

VICE GANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with