^

Showbiz couple na buong akala ng lahat ay maganda ang samahan, hindi na nagsasama sa kuwarto

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2021 - 12:00am

Nakakalungkot ang kuwento ng showbiz couple na ito na ang buong akala natin ang ganda ng kanilang samahan.

Nung nakaraang taon pa nalaman ng ilang nakakatrabaho ni aktor na hindi na pala niya nakakasama sa isang kuwarto ang misis niya.

Nasa isang bubong lang sila kasama ang kanilang mga anak, pero magkahiwalay na pala sila ng kuwarto.

Walang ideya ang aming source kung ano ang set-up, pero may ibang activities na raw si aktor na parang hindi tumutugma sa isang taong may asawa.

Ang dagdag pang kuwento, sinasabi na raw ni aktor sa ilang kaibigan at nakakatrabaho na matagal na silang ‘di okay ni misis at technically parang magkahiwalay na sila.

May nali-link ngayon kay aktor na isang napakagandang babae at mas bata kay misis. Pero sa tingin ng iba ay parang hindi naman daw ganun kaseryoso.

Sana puwedeng laru-laro lang iyun at magkakaayos din sila ng misis niya.

John laging may bitbit na bibliya para labanan ang mga tukso

Hindi maiwasang dumaan din sa maraming pagsubok ang pagsasama nina John Estrada at ng misis niyang si Priscilla Meirelles.

Sabi nga ni John sa nakaraang mediacon ng bagong sitcom niyang John en Ellen, maihahalintulad din daw sa samahan nina John en Ellen na sobrang mahal na mahal ni Ellen si John sa kuwentong ito, ganundin si Priscilla kay John sa tunay na buhay.

Nilinaw naman ni John na sinusuklian naman daw niya ng wagas na pagmamahal ang kanyang asawa. “I can honestly say na siyempre may pinagdaraanan pa kaming tests, mga pagsubok,” pakli ni John nang nakapanayam namin sa radio program namin sa DZRH nung nakaraang Biyernes ng gabi.

Dagdag niyang pahayag; “Pero, alam mo nag-usap lang kami, talagang in-iron out namin ang mga differences namin. Sa totoo lang, dumating ‘yung time na gusto na ring mag-give up sa akin ang asawa ko. Pero nagpapasalamat ako sa kanya, sa Diyos and you know she really decided to stay. Ipinaglaban niya ang pagmamahal niya sa akin.

“Sinabi ko naman sa kanya noon na siya na ang babaeng hanggang sa huling mga sandali ay siya ang gusto kong makasama. Sa awa ng Diyos, dito pa rin kami and we’re really going strong.”

Aminado siyang nandiyan pa rin ang mga tukso na mahirap talagang iwasan pero ang panlaban daw ngayon ni John ay ang Bibliya na lagi niyang binabasa. “Parati akong may Bible pag lumalabas ako eh,” napapangiti niyang sagot sa tanong sa namin tungkol sa pag-iwas sa tukso.

“Pero honestly, eh talagang kailangang ipagdasal mo ang mga ganung bagay para hindi ka mahulog sa bitag. Saka alam n’yo namang hindi na tayo bumabata. Ang lalake na ng mga anak ko.

“Ang panganay ko 28 years old na. So, nakakahiya naman kung magkakalat pa ako sa tabi-tabi,” sabi pa ng aktor.

Malaking bagay daw itong pagiging malapit nila sa Diyos at may bagong pinagkakaabalahan daw siya ngayon, itong pagla-line produce ng sitcom niya sa TV 5 na John en Ellen.

Nai-enjoy daw niya pala ang pagpu-produce at okay naman daw ang takbo ng trabaho.

At bukod dito sa sitcom na pinu-produce niya, posibleng papasukin na rin daw niya ang movie production. “Hindi malayo.

“I’m so surprised nai-enjoy ko siya,” mabilis  niyang sagot tungkol sa pagpu-produce.

“Sabi nga ni Boss Bong (Sta. Maria), alam ko mai-enjoy mo yan. Tama siya nai-enjoy ko siya. At ang sarap mag-alaga ng mga tao eh. Lalo na kapag nakikita mong masipag sila, nagtatrabaho sila. So 100 percent at masasabi kong okay naman akong katrabaho,” dagdag niyang pahayag.

Pero ang isa pala sa matagal nang inaasam ni John ay ma-produce ang isang pelikulang pagsasamahan nila ng mga besfriends niya sa Palibhasa Lalaki na sina Mayor Richard Gomez, Joey Marquez at Anjo Yllana. “Isang pangarap yan. Isang ambisyon na magsama-sama kami uli,” sagot agad sa amin ng aktor.

“Honestly, pang-Metro Manila Filmfest sana kami eh. Kaya lang nagkataon ang dami na ring ginagawa. Bising-busy ang bestfriend kong si Mayor Goma. So, minsan wala siyang time. Pero hopefully, in the years to come mabubuo namin yan. Sana abangan n’yo yan,” saad pa ni John na aligaga sa promo ng sitcom nila ni Ellen Adarna na mapapanood na sa TV 5 ngayong 7 ng gabi.

SAMAHAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with