^
Laban ni Manny, pinaghahandaan ng kanyang mga kaibigan
Manny
STAR/ File

Laban ni Manny, pinaghahandaan ng kanyang mga kaibigan

YUN NA! - Jun Lalin (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2021 - 12:00am

May isa akong nakatsikahan na nagsabing malamang na matuloy talaga ang boxing fight ni Senator Manny Pacquiao sa Dubai, United Arab Emi­rates.

Si UFC star Conor McGregor ang makakalaban ni Manny sa Dubai.

Ang tsika, parehong gusto nga raw nina Pacquiao at McGregor na matuloy ‘yon.

Nang tanungin ng katsikahan ko ang isang malapit kay Manny, sinabi nitong April 23 magaganap ang nasabing boxing fight.

Naaliw nga ako sa kausap ko dahil nang ma-confirm niya ang date ng Pacquiao-McGregor ­boxing fight ay nag-dialogue kaagad ito ng, “Magbo-book na ako ng flight to Dubai!”

Actually, ilang celebrities na malapit sa mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao na ang nakatsikahan ko at nagsabing willing silang pumunta sa Dubai para sa nasabing boxing fight.

Isang kilala rin nating politician, Ateng Salve, na sobrang close kay Manny ang nakatsikahan ko at nagsabing pupunta rin siya sa Dubai para suportahan ang ating Pambansang Kamao sa boxing fight nito against McGregor.

Wow, bongga!

Kris, inaabangan kung matutuloy ang daily show

Sa tingin mo, Ateng Salve, matutuloy na talaga ang pagbabalik-telebisyon ni Kris Aquino?

Daily morning show raw ang gagawin ni Kris na ang tsika ay baka maging co-producer siya (maging open kaya siya tungkol dito?) at live raw ‘yon.

Well, kung ako ang tatanungin mo, Ateng Salve, nae-excite ako kung matutuloy nga ‘yon, favorite ko kasi si Kris sa pagiging TV host, huh!

Well, sana nga ay matuloy na ang TV comeback niya dahil interesting pa rin namang panoorin si Kris compared sa iba, ‘noh?!

Sharon may shoot kaya ‘di puwede sa ASAP

Ang promo shoot ngayon ni Sharon Cuneta para sa Your Face Sounds Familiar ng ABS-CBN.

Ang nasabing promo shoot na noon pa naka-schedule ang dahilan kung bakit hindi tinanggap ng Team Sharon ang offer na mag-guest nga­yon ang Megastar sa live episode ng ASAP Natin ‘To na mapapanood na rin sa TV5 starting today.

Marami ang sumang-ayon sa ginawang paglilinaw ng Megastar sa social media accounts niya tungkol sa birthday celebration sana niya today sa ASAP Natin ‘To.

Tama lang daw na naging klaro si Sharon sa bagay na ‘yon dahil kung hindi siya mapanood ngayon sa ASAP Natin ‘To ng mga nakabasa ng tungkol sa promo ng guesting sana niya sa nasabing show ay baka isipin pa na nambitin siya.

Agree, Ateng Salve?! ‘Yun na!

UAE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with