^
Mocha pinakita ang tiyan habang nagwo-workout, nahihiya kina Robin at Mariel
Mocha

Mocha pinakita ang tiyan habang nagwo-workout, nahihiya kina Robin at Mariel

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - January 23, 2021 - 12:00am

Sinagot din ni OWWA Deputy Administrator Mocha Uson ang kumalat na issue tungkol sa kanila ni Robin Padilla.

Kahapon ay nag-post ito ng workout video habang naka-sports bra at leggings na lutang ang tummy.

Oo nga naman, flat ito at mukhang walang lumala­king baby.

Heto ang buong post niya -

“BUNTIS DAW AKO KAY ROBIN?

“Wala pong katotohanan yang tsismis na yan. Napakabait po nung tao. Nakakahiya naman kay idol Robin at Mariel. Sigurado ako ang nagpapakalat niyan ay yung mga bitter sa ating gobyerno. Alam ng lahat na ako at si sir Robin ay masugid na supporter ni Pa­ngulong Duterte kaya nalang sinisiraan kami. Kulelat kasi sa survey ang pambato nilang si Robredo kaya kung anu-ano paninira ang iniimbento nila.

“Lunch break! Workout na muna tayo!”

Bongga.

At least, nilinaw niya agad.

Though baka ‘di aware si Mocha na pinagdududahan na baka diumano file video ang ginamit niya as in baka old video ‘yun.

Hahaha. So anik ba talaga? Na-fake news kaya siya tulad sa dating mga bintang sa kanya na spreader siya ng fake news?

Nakakaloka.

Ahh dahil nagdududa ang marami, I’m sure willing si Mocha na mag-live sa kanyang social media accounts para patunayang walang nangyari sa kanila ng mister ni Mariel Rodriguez para mas klaro ‘di ba.

Bilang isang government official daw kasi dapat ay  may ‘Code of Ethical Conduct’ siyang sinusunod.

Well, base nga sa work-out video niya, wala namang umbok sa tiyan niya.

Samantala, ang denial na lang ni Robin sa social media ang hinihintay ng lahat sa kasalukuyan.

Habang sinusulat namin ito ay wala pa siyang new post para sagutin ang pagkakadikit ng pangalan niya kay Mocha.

Pero wait, bakit parang nakiki-ride sa issue ang isang upco­ming social media personality na nili-link ang sarili kay Dingdong Dantes. Grabe, para pag-usapan lang.

Anyway, ang isang malinaw lang, natabunan ng issue kina Robin, Mocha and Mariel ang kasal ni Rocco Nacino kay Melissa Gohing.

Likas ang pagiging chikadora ng marami sa kasalukuyan lalo na nga at maraming hindi pa rin naglalalabas ng bahay at rumampa-rampa.

 

 

 

MOCHA USON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with