^
KZ, ayaw na uling magplano
KZ

KZ, ayaw na uling magplano

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - January 23, 2021 - 12:00am

Sa kauna-unahang pagkakataon ay naka­pagdiwang ng Bagong Taon bilang mag-asawa sina KZ Tan­dingan at TJ Monterde. Masa­yang-masaya ang Soul Supreme dahil nabigyan ng pagkakataong makapagbakas­yon sila ng mister. “Birthday kasi ni TJ ng December 30. So pumunta kami ng Balesin tapos nag-show kami do’n tapos nag-extend na lang kami. Do’n kami nag-New Year,” bungad ni KZ.

Maraming mga trabaho at planong bakasyon ang nakansela para sa mag-asawa noong nakaraang taon dahil sa banta ng covid-19 pandemic. Matatandaang nagpakasal sina KZ at TJ kama­kailan kahit hindi nakasama ang kanya-kanyang mga pamil­yang nasa probinsya. “’Yung buong 2020 was supposed to be a year na medyo puno. Maraming mangyayari sa work namin both ni TJ and sa personal na buhay namin. We wanted to get married ng 2020 and siyempre gusto naming umalis ng bansa. We were supposed to go abroad and study music. Marami kaming plinano tapos biglang walang natuloy except getting married, of course. But the rest wala talagang natuloy,” kwento ng singer.

Maraming mga natutunan si KZ mula sa mga naranasan noong 2020. Para sa singer ay hindi na kailangang sobrang dami nang pinaplano at hayaan na lamang na mang­yari ang mga bagay-bagay. “I wasted a lot of days in 2019 worrying about what I should do sa 2020. Paano papla­nuhin ang 2020? Tapos ang ending wala namang natuloy. Ngayon, na-realize ko na I should still be a planner, meron pa ring plano, meron pa ring vision. Meron pa ring direksyon. But I should try to enjoy each day as it comes. Hindi ko muna hahayaan ang sarili ko na mag-worry about tomorrow because tomorrow is never pro­mised,” makahulugang paliwanag niya.

Jane, humanga kay Coco

Napapanood na gabi-gabi si Jane de Leon sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano. Ayon sa aktres ay talagang kaabang-abang ang lahat ng eksenang kanyang gagawin para sa naturang serye. “Maga­ling ako na sniper. ‘Yon ang eksperto ko sa role na ito. Ako’y kasintahan ni Geoff Eigenmann. Abangan n’yo kung ako ba ‘yung magiging kalaban or magi­ging kakampi ni Cardo Dalisay,” nakangi­ting pahayag ni Jane.

Isang malaking karangalan umano para sa dalaga na makatrabaho si Coco Martin at mapabilang sa isang sikat na programa. Malaki ang pag­hanga ng aktres sa pagiging magaling na direktor at aktor ni Coco. “Napakabait niyang tao at napaka-gentleman niya and hindi mo mararamdaman na anything na mabigat sa aura niya. Nakikita ko rin na napaka-professional niya na aktor,” paglalahad ng aktres. Reports from JCC

KZ TAN­DINGAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with