^
Heart, nakakabilib ang pag-ayuda sa babaeng sumagip sa alagang aso
Heart Evangelista

Heart, nakakabilib ang pag-ayuda sa babaeng sumagip sa alagang aso

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - January 23, 2021 - 12:00am

Relate ako sa pagtulong ni Heart Evangelista sa babae na nadisgrasya nang sagipin ang aso niya na muntik nang masagasaan ng tren.Talagang ‘pag dog lover ka, maaantig ang puso mo sa istorya.

Ganu’n niya kamahal ang pet dog niya, at sabi niya hindi siya nagsisisi sa kanyang ginawa kahit pa nga nagkaroon siya ng fractured pelvic bones at baka hindi na makalakad ‘pag hindi nagamot/operahan.

‘Yung pagmamahal sa pet natin, dog o pusa o ano man ‘yan, talagang dugtong-puso na iyon sa atin.

That very moment na sinagip niya ‘yung dog, parang ang sinagip niya ay kapatid o anak niya na nasa panganib.

How nice of Heart na tulungan ang babae na sumagip sa pet dog niya. For that, big hand of applause, at sana gumaling na ‘yung pet owner na malaki ang puso.

Mga senior, tinatanggihan sa ibang resto

Dahil siyempre stressed si Pat-P kaya nang biglang mag-invite ng lunch, go agad ako para mapakinggan ang mga inside ‘confidential’ story ng Brighlight Productions. So, nag-decide kami na magkita sa Red Crab. Go ako, pero napa-cry ako. Wow as in wow, ni-refuse ako to enter dahil senior citizen ako, bawal pala sa Red Crab.

Ano iyon, bakit ngayon ko lang nalaman? Nagpupunta naman ako sa ibang resto sa Morato, puwede naman, bakit sa Red Crab hindi puwede?

‘Kalokah! Paano na iyan, imagine ang seniors hindi puwede sa dine in. Huh huh, bigla akong nalungkot dahil magiging limited na pala ang movements ko dahil lang 74 na ako sa May?

Hindi na ako tatanggapin kung gusto kong kumain sa restaurant? Ano iyon? Paano na ang business ng mga resto? Talaga bang dapat ipagbawal ang seniors na siguro naman may enough sense para ingatan ang kanilang sarili. Siguro naman hindi ako lalabas kung alam ko na hindi ako handa o enough ang protection ng katawan ko.

Wow talaga, na-insecure ako bigla ha, hindi na ako puwedeng mag-dine in, take out na lang. Sorry, kung hindi na ako lalabas, paano na ang aking trabaho? Hindi na ako magtatrabaho, hihingi na lang ako ng datung sa gobyerno?

 

HEART EVANGELISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with