^

Kilalang personalidad ginagawang bitamina ang young actress na may karelasyong hunk actor

UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - January 23, 2021 - 12:00am

Pinagpistahan sa isang malayuang tsismisan ang isang kilalang male personality na sobra-sobra ang kainitan ng libido. Marami raw silang kilalang lalaking persona­lidad na mainit din ang karburador pero kakaibang-kakaiba kuno ang kilalang aktor na ito.

Ang kuwentuhan ng grupo ay hindi magiging maaliwalas at maayos ang mundo ng male personality kapag hindi siya nakapagpapaalpas ng init ng kanyang katawan.

Kuwento ng aming source, “Meron talagang mga lalaking ganu’n, hindi sila makagagalaw nang maayos kapag hindi sila nakapagpapaputok ng bulkan! Parang ‘yun ang nagpapasigla sa kanila.

“Ganu’n na ganu’n ang male persona­lity na kilalang-kilala sa pagiging playboy. Meron na siyang girlfriend, e, may mga extra-curricular activities pa siya!

“Balikan natin ang nakaraan nila ng isang magandang female personality. Dahil sobrang busy sa career niya ang girl, hindi niya hawak ang oras niya, e, nagkakaroon sila ng away ng male personality.

“Hindi niya kasi magawa ang gusto niya, diyetang-diyeta siya, kinakaya niya nu’n ang ganu’ng set-up sa umpisa. Natural, nagsasariling sikap na lang ang male personality,” patikim na impormasyon ng aming impormante.

Nu’ng magtagal-tagal pang ganu’n ang nangyayari ay gumawa na ng milagro ang male persona­lity. Nag-iimporta na siya ng babae sa kanyang lugar. Hindi ‘yun sa bahay niya kundi sa isang opisinang pinagkakaabalahan niya bilang negosyo.

“Meron siyang opisina du’n, ginawa na rin niyang parang halfway house niya ang place. Ang dinala niya du’n, e, isang magandang young female personality na girlfriend ngayon ng isang young hunk actor.

“Hindi niya puwedeng idenay, may nakakakita sa girl na nagpupunta du’n, diretso sa kuwarto niya, umaalis ang girl after three hours.

“Parang short time lang ang peg nila, ganu’n siya katindi, walang kaalam-alam ang girlfriend niya na gumagawa na pala siya ng milagro!

“Ang kuwentuhan nga ngayon ng grupo, kapag nangayayat kuno nang husto ngayon ang girlfriend niyang female personality, e, ‘yun na ‘yun!

“Dahil ‘yun sa sobrang init ng karburador ng male personality. ‘Yun kasi ang pinaghahanguan niya ng vitamins. Napapagod man siya, e, hindi siya nanghihina!

“Hindi niya gusto ang under, over ang gusto niya, kesehodang gumapang pa siya sa sobrang pagod!” nakaarko ang kilay na kuwento ng aming source.

Ubos!

Jomari, maraming dinawit sa demanda

Kung totoo ngang magpapatulong-magsusumbong ang dating karelasyon ni Jomari Yllana na si Joy Reyes kay Raffy Tulfo ay hindi na ‘yun bago.

Nu’ng nakaraang taon ay isang grupo ng mga estudyante ang nagsadya sa Wanted Sa Radyo para ireklamo ang magkakapatid na Yllana. Pero ang nagpakita lang sa matapang na news anchor ay ang mga kapatid niyang sina Anjo at Ryan.

At kung sakali ngang matuloy si Joy sa pagrereklamo, ngayon pa lang ay meron nang pangsangga ang aktor, sa kanyang panayam sa mga kasamahan namin sa PEP.ph ay idiniin ni Jomari na ginagawa raw kasing motel ng dati niyang ka-live-in ang binili niyang bahay para sa mag-iina.

Tatlong aktor ang kanyang tinukoy na madalas daw magpunta sa bahay, kaladkad din ang pangalan ng isang barangay chairman, kumpleto raw siya sa ebidensiya dahil may CCTV sa lugar.

At hindi lang ‘yun ang kanyang hawak na patotoo, maging ang mga yaya raw ng kanyang mga anak ay makapagsasabing totoo ang kanyang sinasabi, paninindigan niya ‘yun.

Nakakalungkot lang na kailangan pang umabot sa masalimuot na senaryo ang pagkaputol ng kuryente sa bahay ng kanyang mag-iina. Madaling intindihin ang reaksiyon ni Jomari dahil kaliwa’t kanang bira ang tinatanggap niya bilang iresponsableng ama.

Meron pa naman siyang inaasintang posisyon sa mundo ng pulitika sa Parañaque, pero ano ang komento ng kanyang mga nasasakupan, paano raw nila iboboto uli si Jomari Yllana samantalang pamilya nga niya ay hindi niya maiayos kaya ang kanilang distrito pa kaya?

Talung-talo si Jomari sa social media, ang ta­nging nakakaintindi lang sa kanya ay ang mga taong nakakakilala sa kanya, du’n lang siya nakababawi.

Huwag na sanang magsalita pa si Aiko Melendez, hawak ng aktres ang isang matinding ebidensiya bilang ama ni Jom sa kanilang anak na si Andrei, kapag sina Aiko at Andrei ang nagbitiw ng mga salita tungkol sa pagiging ama ni Jomari Yllana ay tapos na ang boksing.

ACTOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with