^
Matapos kuyugin sa preggy issue...Mariel bumanat sa isyu kina Robin at Mocha
Mariel at Robin

Matapos kuyugin sa preggy issue...Mariel bumanat sa isyu kina Robin at Mocha

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - January 23, 2021 - 12:00am

Ang bilis-bilis kumalat at talagang pinag-usapan ang blind item tungkol sa controversial female celebrity na nabuntis daw ng sikat na aktor. Bago lumubog ang araw ay may ilang nagpu-post sa kanilang social media account na talagang pinangalanang si Mocha Uson daw itong nabuntis ng isang close kay Pres. Rodrigo Duterte na isang action star.

Kinuyog ang social media account ni Mariel Rodriguez-Padilla dahil sa tsismis na iyon. Kaya hindi na nakatiis ang maybahay ni Robin, nag-post na ito ng statement kaugnay sa isyung ito. “So many people are sending me messages…’checking’ on me. People are tagging me bla bla bla…let me tell you this. ROBIN’S BROTHER PASSED AWAY. He is grieving. He has never been in so much pain all his life. He doesn’t need your baseless gossip. Namatayan po ng kapatid yung asawa ko. Please lang po. He doesn’t even know anything about all this rumor but I am putting a stop to this NOW. May oras para maging assholes, now is not that time. Please.”

Hanggang sa ngayon ay tahimik pa rin si Mocha. Sana sagutin niya ito dahil nababanggit na siya sa ilang ipinu-post sa social media.

Kailangan din niyang linawin kung totoo nga ba ito o hindi. Unfair kay Robin kung hindi nga totoo ang pagkadamay sa kanya sa isyung ito.

Samantala, kumalat na rin ang isa pang kuwentong buntis.

Ang latest na narinig namin ay si Sophie Albert na kung saan matagal na rin naman ang relasyon nila ni Vin Abrenica.

Ang huling nasagap namin, magbibigay naman daw ng pahayag sila Vin tungkol dito. Nakahanda naman daw ang aktor na panagutan ang kalagayan ngayon ni Sophie.

Rocco, sa Battleship ikinasal!

Masayang news naman ang hatid ng post ni Rocco Nacino sa kanyang Instagram account.

In-announce na niyang kasal na sila ng volleyball player na si Melissa Gohing.

Ang galing ni Rocco na naitago ito sa tulong na rin ng Philippine Navy na kung saan ay isa siyang Reservist. Ipinost ni Rocco ang mga kuha sa wedding nila na ginanap sa isang barko ng Philippine Navy.

Nasa caption nito; “Yes…we…did…(ring emoji) 21-1-21 M eet my wife, Mrs. Melissa Gohing Nacino (heart emoji).”

Text ni Rocco kay Noel Ferrer; “Nairaos po... The Philippine Navy was kind enough to lend us the BRP Davao del Sur LD602 Battleship to hold our wedding.

“Kinaya po! Pinaka-stress was the weather! It was raining hard on the 20th. 90% chance of rain and thunderstorms kasi ang nakalagay sa weather forecast. So matinding prayers talaga. God was good! Pinagbigyan kami!”

Ini-enjoy muna ngayon ng bagong kasal ang moments nila bilang mag-asawa.

Sabi ng ilang napagtanungan ko na nakasaksi ng kanilang kasal, sobrang higpit daw ng Philippine Navy kaya ang pamilya lang daw ang pumuwede doon sa lugar ng pinagkasalan. Lahat daw ng entourage at mga imbitado ay nasa Zoom lang daw.

Karamihan ay mga executive ng GMA 7 ang tumayong ninong at ninang. Kasama rin daw ang ibang volleyball players na close kay Melissa, at hindi lang daw napansin ang ibang celebrities na bahagi rin ng entourage dahil ang dami-dami raw nila sa Zoom.

Sabi naman ni Rocco, sa ngayon ay ini-enjoy daw muna nila ni Melissa ang mahalagang araw na ito. Pero balak daw nilang magkaroon ng Christian wedding sa mga susunod na taon.

Congratulations kina Rocco at Melissa!

Ellen ayaw ng drama

Very John en Marsha ang peg ng bagong sitcom na mapapanood sa TV5 bukas ng alas-siyete ng gabi na John En Ellen tampok sina John Estrada at Ellen Adarna.

Nagpapasalamat si Ellen na sa kanya ipinagkatiwala ang project na ito na pagbabalik-showbiz na rin niya. Sa nakaraang mediacon nito, inamin sa amin ni John na kasama pala niya si Derek Ramsay sa kanyang production outfit na nagla-line produce nito para sa Cignal Entertainment.

Hindi gaanong nakalkal ang isyu nina Ellen at Derek, pero may isang nagtanong kay Ellen kung bukas ba siya sa posibilidad na makatrabaho uli ang exes niya. Napangiti si Ellen, dahil isa lang naman daw na taga-showbiz na ex niya. Si John Lloyd Cruz nga ang tinutukoy nito.

Sinundan siya ng tanong on how she stands up from breakup.

“I just have to do what I’ve got to do, and continue with my life. It will pass. Emotions will pass,” safe niyang sagot.

Base sa trailer na ipinakita ng John En Ellen, kuwela siya lalo na ngayong mahirap pa rin sa panahon ng pandemya.

 

MARIEL RODRIGUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with