^

ASAP, magla-live sa pagpasok sa TV5!

YUN NA! - Jun Lalin (Pilipino Star Ngayon) - January 23, 2021 - 12:00am

Dahil eere na rin sila sa TV5, live na live ang episode bukas ng ASAP Natin ‘To. Actually, nakapag-tape na sila ng para sana bukas, pero nagdesisyon daw ang ABS-CBN management na mag-live bukas dahil first airing nga nila ‘yon sa Kapatid network.

So, ‘yung nakunan na nila na para bukas sana, ipapalabas na lang nila sa ibang episode.

Ang bongga lang ng pagwe-welcome bukas kay Janine Gutierrez bilang bagong Kapamil­ya dahil hindi lang sa Kapamilya Channel sa cable, A2Z sa free TV, iWantTFC, sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment at TFC (The Filipino Channel) siya mapapanood, kasama na rin sa pagpapalabasan simula ng ASAP Natin ‘To ang TV5.

Marami ang excited sa partnership ng ABS-CBN at TV5, kaya mukhang tututukan naman talaga ang ASAP Natin ‘To.

Ano kaya ang paghahandang gagawin ng All-Out Sundays bukas? May pasabog din kaya ang GMA 7?

Well…

Nora, hiningal sa rami nang nagpa-picture

Si Nora Aunor sa Annabel’s restaurant noong Wednesday afternoon.

Ginanap ang story conference ng bagong movie ng Superstar, ang Kontrabida. Si Nora ang gaganap na kontrabida na title role sa pelikulang ‘yon.

Excited ang producer na si Joed Serrano dahil sa pagtanggap ng Superstar sa bagong pelikulang ipo-produce niya.

Si Adolf Alix, Jr. ang direktor ng pelikula at kasama rin si Charles Nathan. Nasa cast din sina Bembol Roco, Rosanna Roces at Jaclyn Jose.

May isa pang “Superstar” na kasama sa pelikula at under negotiation ‘yon.

“Young superstar. Ayaw pa naming i-reveal. Basta under negotiation na. Sana matuloy talaga,” sabi ni Joed.

May isang nagtsika naman sa akin na isang Kapamilya young actress ang kinukuha nila para makasama ni Nora sa pelikulang ‘yon.

Actually, willing daw si Joed na magbayad nang malaki makuha lang ang serbisyo ng young actress na ‘yon.

Nang paalis na nga pala si Nora, Ateng Salve, sinundan ko siya sa labas ng Annabel’s para makatsikahan sana, pero, mukhang napagod ang Superstar. Hinihingal si Nora dahil hinihika raw siya, kaya hindi na lang ako nakipagtsikahan pa.

Napagod daw kasi si Nora dahil napakara­ming nagpa-picture rin sa kanya nang makita siya sa Annabel’s.

After ng story conference, ang presscon naman ng Anak ng Macho Dancer na pinagbibidahan ni Sean de Guzman ang pinagkaabalahan ni Joed.

Sa January 30 ipapalabas ang Anak ng Macho Dancer sa KTX.ph at mabibili ang virtual tickets sa halagang P690 bawat isa. May kamahalan ang tickets para sa araw na ‘yon dahil Director’s Cut daw ang ipapalabas. Wala raw putol. Pero kapag ipinalabas na nang regular ang pelikula, mas mura na raw, pero may cut na nga! ‘Yun na!

 

ASAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with