^
ASAP at FPJ, nasa TV5 na!

ASAP at FPJ, nasa TV5 na!

SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2021 - 12:00am

May regret kaya ang ibang Kapamilya stars na nagmadaling rumaket at natakot nang mawalan ng franchise ang ABS-CBN?

Bukod sa A2Z, starting Sunday, mapapanood na sa TV5 ang Sunday noontime show ng ABS-CBN, ang ASAP Natin ‘To. Bukod sa ASAP, mapapanood rin sa TV5 ang FPJ: Da King – mga pelikula ni Da King Fernando Poe Jr. na hawak ng Kapamilya network ang rights.

Kahapon nga ay naglabas na ng official statement ang ABS-CBN at TV5 tungkol dito.

Special mention ang Brighlight Productions ni Mr. Albee Benitez na siyang may contract as blocktimer sa TV5 na dating ino-occupy ng Sunday Noontime Live - SNL na tsinugi sa ere after three months dahil diumano sa poor rating at malaki na ang lugi.

Napanood since 1995 sa ABS-CBN, kaya may element of surprise ang confirmation na mapapanood ang ASAP sa ibang network na pinangungunahan nina Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Gary Valenciano, Sarah Geronimo, Erik Santos, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez-Alcasid.

Tampok naman sa FPJ: Da King ang mga pelikula ni King of Philippine Movies Fernando Poe Jr. tuwing Linggo, mula 2:00 p.m. hanggang 4:00 p.m.

“This collaboration between CIGNAL, TV5, Brightlight Productions, and ABS-CBN marks the start of greater cooperation among our various industry players and begins a new era of partnership,” pahayag ni Robert P. Galang, president and CEO ng Cignal at TV5. “The airing of ASAP and FPJ’s movies on TV5 showcases the desires of TV5 and ABS-CBN to serve our viewers in the best way possible.”

Dagdag pa ni Mr. Galang – “We are pleased to welcome the ASAP family and the films of the one and only king of Philippine movies to Cignal and TV5. The top-rated content, combined with Cignal and TV5’s strengths in technology, direct-to-consumer distribution, and mobile and broadband reach, will usher in a new viewing experience for fans and subscribers alike.

“The future of entertainment media is rapidly converging around a dynamic mix of traditional and digital platforms, with Cignal and TV5 launching new content and synergies that will disrupt conventional broadcast methods. We are committed to continuously explore more initiatives to provide the best of both worlds to all our stakeholders,”  sabi pa ni Mr. Galang.

Nag-last episode ang SNL last Sunday kasabay ng dalawa pang shows ng Brightlight Productions na ikinagulat daw ng mga kasali sa mga programa. Aside from SNL, nagbabu rin ang Sunday Kada and I Got You.

Anyway, business-wise nga naman, rater na ang ASAP. Hindi na kailangang mag-establish ng market dahil andiyan na sila.

Eh ang SNL daw, ang expenses every episode, more than three million.

Kaya asahan na majority sa Kapamilya stars ay mapapanood na rin sa TV5 sa pagpasok ng ASAP sa network.

Obviously walang planong tumigil ang Kapamilya network na hanapan ng outlet ang mga programa nila matapos silang mawalan ng franchise sa free TV.

At mas marami pang makapapanood sa kanila dahil bukod sa A2Z at TV5, pinalalabas din ang ASAP sa mga cable channel nila plus social media platforms.

Kabilang nga pala sa mga napanood sa SNL na dating nasa ASAP ay sina Piolo Pascual, Maja Salvador and former Miss Universe Catriona Gray.  Makabalik pa kaya sila sa ASAP?

Si Mr. Johnny Manahan ang director and over all in charge ng SNL na base sa lumabas niyang interview ay emotional pa ito sa biglaang pagkansela sa SNL.

Pero sinabi naman diumano noon ni Mr. M na retired na siya kaya siguro matatanggap din niya ang pagkawala ng kanyang binuong programa.

Diumano’y more than P500 million na ang nagagastos ng Brightlight Productions ni Cong. Albee though wala siyang kino-confirm tungkol dito sa anim na programa na prinodyus niya na ang tatlo nga ay nagbabu na sa ere at natira ang Rated Korina, LOL and Oh My Dad!

ASAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with