^
Derek may âinvestmentâ kina John en Ellen

Derek may ‘investment’ kina John en Ellen

SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2021 - 12:00am

“My son is my priority,” sabi ni Ellen Adarna kahapon sa media conference ng comeback project niya bilang leading lady ni John Estrada sa John en Ellen na mapapanood din sa TV5.

Timing ang sinasabi niyang reason kung bakit niya tinanggap ang comedy show na co-producer din si John with Derek Ramsay.

Nagkataon daw na nang i-offer sakto sa schedule niya sa Manila dahil nasa daddy niya – John Lloyd Cruz – ang anak niya eh five days ang lock-in nila rito, eh wala namang siyang gagawin kaya tinanggap niya.

Sinabi kasi noon ni Ellen na hindi siya interesadong bumalik sa showbiz. Pero naunahan niya pa si John Lloyd na mag-comeback.

In all fairness kay Ellen, pag-sinusundo sila ni John Lloyd sa Cebu naka-private plane raw sila.

Anyway, wala namang nangahas na magtanong kahapon sa media conference nila ni John kung ano ba talagang status ng relasyon nila ni Derek dahil parang hindi pa game si Ellen na sumagot sa intriguing questions.

Pero as co-producer, sinabi ni John na may chance na mag-guest ang Kapuso actor sa kanilang programa. Recently kumalat ang landian photos nina Ellen and Derek. “Definitely yes, pero kailangan niyang magpa-swab,” sabi ni John nang tanungin namin tungkol sa posibilid na guesting ng kanyang BFF.

Sayang lang at hindi na nila nasagot kung welcome rin ba si John Lloyd na mag-guest lalo na nga’t may chika na may chance na mapanood din ito sa TV5 through Brightlight.

#CoupleGoals at #RelationshipGoals ang peg nina John at Ellen bilang mag-asawa dito pinakabagong weekend sitcom nga ng Cignal Entertainment.

Halos three years ding namahinga si Ellen sa showbiz matapos manganak.

Kakaibang Ellen daw ang matutunghayan ng mga manonood sa bagong sitcom na ito dahil sa bagong image niya bilang isang mapagmahal na ina at loyal na asawa.

Para naman kay John ang John En Ellen ang nagbabalik sa kanya sa kanyang comedy roots at dito niya ipapakita ang kanyang versatility sa pagganap sa role ng isang mapag-alagang tatay at mapagmahal na asawa. Maalalang nagkapangalan si John noon sa comedy show na Palibhasa Lalaki.

Abangan ang pagsisimula ng kuwento ng Kulantong family at tutukan ang kanilang mga adventures and misadventures sa John En Ellen tuwing Linggo simula ngayong Enero 24, 7PM sa TV5. Mapapanood din ito sa Cignal TV channel 202 HD at channel 60 SD.

TV5
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with