^
Kristoffer, âdi itinatago ang anak
Kristoffer
STAR/ File

Kristoffer, ‘di itinatago ang anak

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2021 - 12:00am

Wow, meron palang naging love child si Kristoffer Martin at four years old na ito sa isang non-showbiz na babae. Nag-break sila, pero that time ay wala lang nagtatanong kay Kristoffer pero hindi niya pala gustong itago ito. Medyo nagkaroon na ng falling out of love dahil hindi pa siguro emotionally stable at pareho pang bata, kaya naghiwalay sila ng mother ng kanilang anak. At tulad din ng regular normal story, heto at na-in love naman siya sa kanyang co-star nang mag-lock in taping sila.

As usual, ’yung sinabi ko na pagmamadali ng mga taong in love at the moment, tapos later on na-fall out of love, tapos biglang makikita ang talagang ‘the one ‘ nila. Heto na naman si Kristoffer Martin, isa na namang nagmadali sa ngalan ng pag-ibig, tapos, heto, nasa huli ang pagsisisi.

Pero one blessing nga, ang pagkakaroon ng isang anak na sana huwag maging cause ng emotional blackmail na naman later on. Huwag maging cause na para bang ‘yung bata ang maging pawn sa magaganap na naman na public na ‘away’ between parents.

Spare the child, don’t use them. Mag-usap kayo bilang adults. No more washing dirty laundry in public noh.

Mga diyaryo, mas nakasanayan nang basahin

Dapat talaga, Salve, ‘yung hard copy ng diyaryo tulad ng Pilipino Star NGAYON at Pang-Masa ay huwag mawala. Kahit pa nga sabihin mo na uso nang magbasa ng balita online, hindi ko pa rin makasanayan ito, talagang iba ‘pag hawak mo ang newspaper at binabasa mo.

No wonder marami pa rin namang diyaryo sa market, at talagang marami pa rin ang bumibili nito.

Alam mo ba na lagi nga raw ubos ang PSN at PM sa mga nagtitinda, at favorite nilang broadsheet ang The Philippine STAR. Kaya naman kung gusto niyong mabasa ang co­lumns namin nina Cristy Fermin at Salve, buy kayo ng PSN at PM, pati si Gorgy at walang fake news ha, talagang credible ang headlines.

KRISTOFFER MARTIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with