^
Karla, pinangangaralan si Daniel para hindi maging taksil
Karla
STAR/ File

Karla, pinangangaralan si Daniel para hindi maging taksil

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2021 - 12:00am

Mula noon pa man ay laging pinaaalalahanan ni Karla Estrada ang mga anak na lalaki na sina Daniel at Carlito Padilla na maging tapat sa kanilang mga karelasyon. Para sa aktres ay mahalaga na mayroong tiwala sa isa’t isa ang mga magkasintahan. “Ako kay Daniel at saka kay Carlito, ‘yung pagiging respectful at pagi­ging gentleman lalo na sa babae. Kasi lagi kong sinasabi na walang taksil na nagtatagumpay,” pahayag ni Karla.

Nararamdaman umano ng Magandang Buhay host sa mga lalaking anak ang pagiging maalalahanin ng mga ito. Ayon kay Karla ay posibleng namana ni Daniel ang mga magagandang katangiang ito mula sa amang si Rommel Padilla. “Kita naman natin na talagang mapagbigay, understanding at saka maka-ina. ‘Yon talaga ang nakuha. Nakita naman natin ang pagmamahal nina Robin at Rommel sa ina nila. Actually si DJ, gano’n din. But lahat naman ng anak ko,” pagbabahagi ng aktres.

Claudia, lumipat na rin

Nasa pangangalaga na ngayon ng Viva Artists Agency si Claudia Barretto. Naniniwala ang dalaga na malaki ang maitutulong ng naturang talent agency lalo na sa kanyang singing career.

Matatandaang apat na taon ding naging alaga ng Cornerstone Entertainment, Inc. ang dalaga. “I just kept on thinking that in light of this new partnership with Viva, I will really be able to produce the work that I want to achieve. I’ll be able to do more of what I love and do more as a new artist. Viva and I are very compatible. I’m very hopeful and excited to work with Viva more closely. Of course my passion still lies in music. I want more of what I do to have something to do with music. What’s most different right now is that, I really just want to work hard to improve my performances, my music, the way I express myself. It’s all about improvement for me and I think Viva is a very good fit,” paliwanag ni Claudia.

Bukas din ang singer-composer sa pagsabak sa pag-arte sa harap ng kamera kung mabibigyan ng pagkakataon. “Wherever life takes me. If the opportunity comes and I’m prepared to act, maybe I’ll give it a shot. If not, I’m okay to doing whatever it is that I feel called to do,” giit ng dalaga.

Si Claudia ay anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla kaya talagang nasa dugo ng dalaga ang pagiging isang artista. Kilala bilang magagaling na aktres din ang mga tiyahing sina Gretchen at Claudine Barretto. Noong isang taon ay lumipat na rin ang nakatatandang kapatid ni Claudia na si Julia Barretto sa Viva. Posible talagang sundan ni Claudia ang mga yapak ng kanyang mga mahal sa buhay. “When I think about acting opportunities, usually what comes to mind is hopefully in a music video. I can do a short film that’s based around the story of the songs that I write. Right now, that’s where my head is at. Of course I’m open to different ideas and trying out new things, especially now that I feel like I’m more prepared to take on more responsibilities when it comes to my career. My dream is able to act in some of my music videos to make it more wholistic. I trust Viva and I trust their guidance. Whatever they think will help me and will be good for me. It will be wise to follow who know more than I do,” pagtatapos ng dalaga. Reports from JCC

KARLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with