^
Annabelle, pinahanginan sa dinner ang mga alahas
Sarah, Richard at Annabelle
STAR/ File

Annabelle, pinahanginan sa dinner ang mga alahas

YUN NA! - Jun Lalin (Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2021 - 12:00am

‘Kaaliw talaga si Annabelle Rama, Ateng Salve. Maaga kami sa Shanghai Saloon restaurant the other night kung saan nag-treat si Raymond Gutierrez sa kanyang family para sa kanyang birthday dinner salubong.

Sey ni Bisaya, “Excited ako sa dinner na ito ni Mond dahil nakapagsuot ako ng alahas. Sabi ko talaga sa sarili ko, kahit hindi party ito, magsusuot ako ng malaking mga alahas. Simula kasi noong lockdown, wala na akong napuntahan. Hindi ako nakakapagsuot ng alahas. Sa bahay na lang ako nagsusukat ng mga alahas ko bago ako matulog sa gabi!” tsika ni Bisaya na ikinaaliw kahit ng mister niyang si Eddie Gutierrez.

Pagdating nga nina Raymond at Sarah Lahbati sa dinner na ‘yon, nagulat sila dahil ang lalaki ng mga alahas na suot ni Bisaya.

Character talaga si Bisaya, huh!

Nasa dinner din ang mga anak ni Ruffa Gutierrez na sina Lorin at Venice, pero wala ang actress/TV host dahil naka-quarantine siya para sa pagsisimula ng pagla-lock-in niya sa taping ng Stay In Love kahapon.

Once kasi na nakapagpa-swab test ka na, kailangang mag-quarantine ka na bago pa mag-lock-in taping para siguradong safe sa virus!

Ogie,‘di nakilala si Regine

Kung si Vice Ganda ay hindi nagkamali na si Regine Velasquez-Alcasid ang celebrity Tago Kanta na kasali sa Hide and Sing segment ng It’s Showtime, si Ogie Alcasid naman na alam siyempre na kasali roon ang misis ay nagkamali.

Ang hula kasi ni Ogie habang nanonood sila ng anak na si Nate, ‘yung #3 ang kanyang misis. Si Nate, sure na sure na si #2 ang kanyang mommy.

Hindi naman ikinaila ni Ogie na nagkamali siya ng pili, kaya nalaman ‘yon mismo ng Asia’s Songbird. “So, ano ang naging reaction ni Reg?” pang-uusisa ko kay Ogie.

“Nainis. Hahaha. Si Nate kasi, nahulaan na ‘yung number 2 si Reg, pero mali nga ako kasi akala ko ‘yung number 3 si Wifey (tawag niya sa misis),” sey ni Ogie. Naku, daig pa ni Vice si Ogie, huh!

Nag-guest nga pala si Regine sa It’s Showtime para i-promote ang kanyang Freedom Valentine’s concert.

Ubos na ang VIP virtual tickets kahit nagdagdag nga sila, kaya ‘yung tig-P1,200 virtual tickets na lang ang available.

Mukhang ang Freedom ang pinakabonggang virtual concert dahil ang daming nag-a-avail ng virtual tickets no’n, huh!

Anyway, ‘yung KilaboTitos concert naman ni Ogie at Ian Veneracion na virtual na nga, hindi pa rin nila inilalabas ang details. Sa tsikahan namin ni Ogie kahapon ay naikuwento niyang nagmi-meeting pa sila. “Baka next week na natin ilalabas ang details,” sey niya.

Jane inaasahang mali-link din kay Coco

Ngayon kayang hindi na kasali si Yassi Pressman sa FPJ’s Ang Probinsyano ay matitigil na ang tsikang pinagseselosan siya ni Julia Montes?

Ngayong si Jane de Leon na ang kasali sa nasabing series ay siya naman kaya ang ma-link kay Coco Martin at matsikang pinagseselosan ni Julia?

Well… ‘Yun na!

ANNABELLE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with