^
Pinky nag-trending ang hair flip kay Sec. Roque, Vice pumiyok uli
Pinky

Pinky nag-trending ang hair flip kay Sec. Roque, Vice pumiyok uli

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - January 21, 2021 - 12:00am

Trending kahapon ang hair flip ng CNN anchor na si Pinky Webb matapos na mapikon si Presidential Spokesperson Harry Roque habang ini-interview siya sa programa nitong The Source.

Former UP student si Sec. Roque, at naging professor pa kaya naman tinanong ito ni Ms. Pinky tungkol sa reaction niya sa challenge ng UP journalism professor na si Danny Arao na tuligsain din ng mga nasa gobyerno na galing sa nasabing unibersidad ang pag-aalis ng kasunduan noong 1989 kung saan nakapaloob doon na lahat ng mga opisyales ng militar at pulisya ay kailangang ipaalam muna sa pamunuan ng unibersidad ang ‘pagpasok’ na tinututulan ngayon ng marami.
Talagang habang parang pikon na si Sec. Roque ay cool lang si Ms. Pinky, nakaka-smile pa at nag-flip pa ng hair.

Si Vice Ganda naman ay sumagot na rin kahapon ng “Ako, ‘di ako clown. I’m a comedian. At may kilala akong clown. I’m a comedian, you are the clown,” na ang obvious na pinatutungkulan ay ang sagot ni Sec. Roque. 

Days ago lang kasi sa kanyang press briefing ay sinabi ni Sec. Roque na mali namang ikumpara sa sabong panlaba ang vaccine sa COVID-19 na unang statement ng komedyante. “Alam n’yo po, mali naman na ikukumpara ‘yung bakuna sa sabon na panlaba. Eh kung hindi naman natin pagtitiwalaan ang mga expert na tatlong batches ng experts pa ang magsasabing puwede natin gamitin ‘yan at magiging basehan para mag-issue ng EUA. Eh sino ang ating paniniwalaan? Siguro po hindi naman komedyante.”

Hahaha. At ‘yun nga ang sagot ni Vice kay Sec. Roque sa It’s Showtime kahapon.

Grabe. Sa kabila ng lahat ng mga pangyayari may ganitong parinigan.

At in all fairness, showbiz na showbiz na si Sec. Roque.

PINKY WEBB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with