^
Jomari magdedemanda!
Jomari

Jomari magdedemanda!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - January 21, 2021 - 12:00am

Nangako si Jomari Yllana na magpapa-interview siya sa atin isa sa mga araw na ito. May mga inaayos lang sila kaugnay sa isyu nito sa dating karelasyong si Joy Reyes.

Aabot kaya sa demandahan ito?

Nasa social media account ni Joy na sinasabi niyang may ginagawa na raw ang kampo ni Jomari na hakbang laban sa kanya. Nabanggit nitong may ilang dating kasambahay na nagbigay ng pahayag para patunayang hindi siya fit na ina sa dalawa nilang anak.

May ilang taong nadadamay sa ilang pahayag ng dating kasambahay na nagugulat naman bakit sila nadadamay gayung hindi nga raw nila kilala si Joy.

Sinasagot ni Joy ang komento ng ilang netizens, na ipapa-Tulfo na nito si Jomari. Sabi ni Joy, tila pinu-push nga raw siyang ipa-Tulfo na ang actor/politician dahil sa nakakarating nga raw sa kanyang may gagawin ang kampo ni Jomari laban sa kanya.

Ang sabi naman ni Jomari sa nakaraang interview sa kanya ng PEP.Ph, sana wala na lang siraan sa publiko. At sana maayos nila ito na hindi na umabot sa malaking iskandalo.

Sa ganitong isyu, madalas na dehado talaga ang mga lalaki lalo na’t kung may mga anak na involved.

Pero sa aming obserbasyon, hati ang sentimyento ng mga tao dahil ang isa raw talaga sa ipinagtataka nila, bakit umabot ng 100 thousand ang bill sa Meralco sa loob ng isang buwan lamang.

Hindi kaya ang Meralco naman ang may mali sa pag-isyu ng electric bill?

Sen. Bong nanginig sa halikan nila ni Sanya

Tuwang-tuwa ang mga bagong halal na opisyal ng PMPC na pinaunlakan sila ni Sen. Bong Revilla para mag-conduct sa kanilang oath-taking na ginanap sa Annabel’s Restaurant sa Tomas Morato.

Pinangunahan ito ng kaibigan naming si Roldan Castro na siyang nahalal na Presidente ng naturang samahan ng mga movie press.

Sinasabi ni Sen. Bong na talagang malapit sa kanya ang mga movie press na hindi bumitaw sa mga dagok na pinagdaanan niya. Nagpapasalamat din siya sa parangal na iginawad ng grupo sa kanyang namayapang amang si dating Sen. Ramon Revilla Sr.

Dapat ay sandali lang siya roon, dahil kailangan niyang dumalo sa session ng Senado, pero nag-decide siyang mag-Zoom na lang.

Doon din ay kinuwento ng actor/senador na proud siya sa nagawa niya sa Agimat ng Agila na mapapanood sa GMA 7. Ipinakita niya ang ilang eksena sa naturang action/fantasy na series at impressive nga ito. Talagang kinarir ito ni direk Rico Gutierrez para kay Sen. Bong.

Nasilip na rin namin ang ilang eksena nila ni Sanya Lopez at totoo ngang may chemistry sila. Puring-puri ni Sen. Bong si Sanya na napaka-professional daw katrabaho. May ilang kissing scenes sila na mismong ang senador / actor pa raw ang nailang sa eksenang iyun. “Actually, ako ang nanginig,” natawa niyang sagot nang kumustahin ang kissing scene nila ni Sanya.

“Nailang ako kasi mas bata siya sa akin. Pero, she’s very professional. Wala siyang alinlangan, walang arte, walang kiyeme,” pakli niya.

Puring-puri rin niya ang mga co-star niya dahil napaka-cooperative daw. Magalang pa raw silang lahat.

Sinasabi rin daw niyang dapat pareho ang trato sa isa’t isa at huwag siyang itratong mas angat porke’t senador siya. Kaya naman kaagad daw silang nagkapalagayan ng loob dahil pare-pareho ang trato nilang lahat sa set.

Natapos na nila ang taping ng buong season, at ang laki ng pasasalamat niyang maganda ang kinalabasan nito na parang isang buong pelikula raw pero hindi pa nila alam kung kailan ito mapapanood.

JOMARI YLLANA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with