^
Anak ni Ara, hindi close sa mapapangasawa ng aktres
Ara at Dave

Anak ni Ara, hindi close sa mapapangasawa ng aktres

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - January 21, 2021 - 12:00am

Noong isang linggo ay mainit na pinag-usapan sa social media ang tungkol sa naging wedding proposal ni Dave Almarinez kay Ara Mina. Ayon sa aktres ay hindi niya inakalang magpo-propose na sa kanya ang kasintahan. “’Yung ibang mga kakilala ko parang nararamdaman daw nila. ‘Itong 2021, parang ikakasal ka na.’ Sabi ko naman, ‘Huh? Paano?’ Parang ako naman, inaantay na lang niya ako. Feeling ko lalagay na ako sa tahimik. Sabi ko naman sa kanya, committed ako. Aanohin (tatapusin) ko lang ‘yung mga work ko. Parang, ayan na, lumagay na ako sa tahimik,” natatawang pahayag ni Ara.

Ngayon ay pinaghahandaan na ng magkasintahan ang kanilang pag-iisang-dibdib na mangyayari ngayong taon. “What I like about him, pina-prioritize niya ako. Sabi niya sa coordinator, ‘I want to give her her dream wedding.’ Well, hindi naman tayo sobrang makakapagbongga dahil sa pandemic. Hindi natin alam kung hanggang kailan ito pero susunod naman tayo sa protocols. I want na nandoon lahat ng friends ko, lahat ng nagmamahal sa akin at naka-witness ng journey ko. Pagkalabas ko rito sa lock-in taping, hinihintay lang nila ako. Magmi-meeting kami agad tapos mag-ocular na kami ng venues. Tig-lima pa lang ‘yung naiisip namin (mga ninong at ninang),” pagbabahagi ng aktres.

Samantala, excited na ang anak ni Ara at Patrick Meneses na si Amanda Gabrielle para sa pagpapakasal ng ina. Gusto na rin umanong magkaroon ng kapatid ng anak ng aktres. “Sinabi niya sa kasama ko sa bahay. Sabi niya, ‘I want baby sister.’ Actually, parang excited siya. Kasi nag-drawing pa siya ng engagement ring. Nag-drawing pa siya ng bouquet, nilagyan niya ng pangalan niya, tapos may pangalan ko, may pangalan ng fiancé ko, pangalan ni Dave. Hindi naman sila sobrang close pero nagkikita naman sila kapag may occasion and they’re okay. Si Mandy, lumaki siya, nasanay siya na magkahiwalay ‘yung parents niya. Hindi magkasama ang parents niya sa isang house. Parang excited siya na magkaroon ng parang daddy figure,” paglalahad ni Ara.

Seth, nalungkot

Namatay na ang karakter ni Seth Fede­lin bilang si Macoy sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano. Tumagal din ng apat na buwan ang karakter ng aktor sa serye. Magkahalong emosyon ang naramdaman ni Seth dahil nakatagpo siya ng mga bagong kaibigan sa naturang programa. “Maraming-maraming salamat po sa lahat ng bumubuo ng Ang Probinsyano at salamat dahil napabilang ako diyan. Nakakalungkot mang isipin na ako ay nagpaalam na at nawala na si Macoy sa ‘Ang Probinsyano.’ Nagpapasalamat ako dahil marami akong nakilalang bagong mga kaibigan at marami akong natutunan. Salamat po talaga sa lahat ng cast. Mga Kapamilya, maraming salamat,” nakangiting pahayag ni Seth.

Hindi raw dapat palampasin ng mga manonood ang mga magaganap pang mga eksena sa serye ayon sa aktor. “Huwag n’yo pong kalimutan na subaybayan ang Ang Probinsyano dahil marami pa kayong dapat abangan. Sobrang dami pang pwedeng mangyari,” pagtatapos ng binata.

(Reports from JCC)

ARA MINA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with