^
Derek at Ellen, parang nilalaro lang ang imahinasyon ng fans
Derek at Ellen

Derek at Ellen, parang nilalaro lang ang imahinasyon ng fans

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - January 21, 2021 - 12:00am

Hanggang ngayon kinikilig pa ako sa Derek Ramsay at Ellen Adarna pairing hah! Mukhang ang cupid nila ay si John Estrada na bff ni Derek kaya siguro minatch niya ang dalawa na parehong heartbroken at loveless na.

Kung anuman ang maging resulta ng first stage ng flirting nina Derek at Ellen, kilig pa rin dahil certifitied hottie couple sila.

Personality-wise, bagay ang dalawa, parehong playful, articulate at malalim. Saka bongga ang combination, mukhang magiging maganda ang product nila kung sakali, hah hah.

Pero this time, palagay ko mas cautious na ang dalawa, alam na nila ang roller coaster ride ng isang relasyon, sure ako ite-take it easy na lang at parang nilalaro nila ang imagination ng publiko.

At kahit ano pa ang sabihin n’yo, hot news sila kaya ang daming nag-aabang sa mga ganap nila.

Brightlight, ang daming isyu

Ang dami pa ring speculations at mga balita na umiikot tungkol sa Brightlight Productions. Bigla kasi na para bang kuwitis ang pasabog, tapos heto nga, bigla ring nawala ang three shows.

Sana tulad ng Triple A ni Mike Tuviera na from the start alam ng lahat na one season lang ang Chika, Besh!, at maliwanag ang pag-negotiate sa mga artista na medyo may pay cut sa budget dahil kailangang mababa ang production cost.

Ang Brightlight kasi all out, no pay cut, open budget sa production cost. Pandemic ngayon, pero walang pandemic sa negotiation ng budget sa Brightlight, kaya nga biruan tuloy na minadali at naging dimlight tuloy agad.

Sayang talaga ang big entrance nito sa showbiz, sad na hindi naka-take off nang mataas, pero sana kung nagtulungan ang lahat ay hindi magiging ganu’n kaiksi ang life span ng shows.

At ang isa pang napansin namin, iyon bang parang reluctant stars ang lahat ng nasa Brightlight, lahat nagsasabi, anytime babalik sila sa Kapamilya, para bang ipinaparamdam na transit lang kami rito, hindi namin gustong magtagal. Kaya tuloy lukewarm din ang mga tao, para bang sandali lang naman sila diyan, huwag na nating gawing habit ang manood sa kanila.

‘Di ba nga sabi, love begets love, kaya hayan, hindi rin sila minahal sa bago nilang bahay.

Naku, talagang ‘pag hindi ok, ang daming hanash, pero ‘pag successful, walang argument. Basta let us pray that Brightlight will be bright, at sandali lang ang pag-dimlight, tapos, hayan, pasabog uli, si Papa Albee Benitez pa, at with Pat-P Daza around, take off uli sila, this time tagalan muna sa ere bago mag-touchdown.

DEREK RAMSAY ELLEN ADARNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with