^

Sexy actress ligalig na ang buhay sa ibang lalaki

UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - January 21, 2021 - 12:00am

Hitsurang limot na ang aktor

Nu’ng magkarelasyon pa ang isang sikat na male personality at ang kilalang sexy actress ay naglulunoy sila sa kaligayahan. Palaging kulay rosas ang kanilang paligid. Parang silang dalawa lang ang taong nabubuhay sa mundo.

Wala silang pakialam sa kahit sino. Kapag magkasama sila ay parang wala nang bukas sa kanilang pagmamahalan. Tinalikuran pa nga nilang pareho ang maganda nilang karera.

Kuwento ng aming source, “At saksi ang publiko sa sobrang pagka-in-love nila sa isa’t isa. Wala silang itinatago, talagang ipinagmamalaki pa nila sa buong universe kung gaano sila kaligaya sa desisyong ginawa nila,” pagpapakilala sa dating magkarelasyon ng aming impormante.

Pero wala ngang forever. Ang napakatamis nilang pagmamahalan ay umasim. Ang mga katawan nilang palaging magkadikit ay nagkaroon ng puwang.

Dagdag na impormasyon ng aming source, “Luging-lugi kung tutuusin ang male personality sa laban na ito. Kasagsagan ng popularity niya nu’ng mag-decide siyang talikuran ang showbiz.

“Pero sabi nga, e, wala namang nalulugi pagdating sa love. Natural, balewala sa kanya ‘yun dahil sobrang happy nilang dalawa. Wala siyang pinanghinayangan.

“Pero ang nakakalungkot, e, ang napala niya sa desisyong ginawa niya. Ang tingin pa ng ex niya, e, darkness ang naging buhay sa kanya.

“Ayaw na raw niyang bumalik pa sa dilim! Anong dilim ang sinasabi niya, e, pink na pink nga ang mundo nila nu’n! Nakakaawa naman ang male personality na isinakripisyo nga ang career niya para sa relasyon nila!

“Kahit ang mga kaibigan ng male personality, e, nasasaktan sa mga pinagsasasabi ngayon ng girl! Ano nga naman ‘yun, ginawa lang niyang babymaker ang guy?

“Nakakaloka ang girl na ‘yun! Parang balewala lang sa kanya ang paghihiwalay nila nu’ng guy! Dalagang-dalaga na naman ang peg niya ngayon na kung saan-saang lugar nagpupunta!

“At wala pa siyang inaamin, pero mukhang nakakita na siya ng ipapalit sa ex niya! May pinagkakaabalahan na siyang ibang guy ngayon!

“Nakakaawang male personality, bumalik na kasi siya uli sa pag-arte! Ang galing-galing niyang umarte, may babalikan pa rin siya!” naiinis na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Willie nabiktima ng nagpapanggap na Willie na nanghihingi ng load

Sisenta anyos na si Willie Revillame sa January 27. Senior citizen na siya. Kinukumpleto na raw niya ang mga dokumento para kahit paano’y makakuha siya nang twenty percent discount sa kanyang mga bibilhin at pupuntahan.

Pero sa halip na siya ang regaluhan ay nagsisimula nang magregalo ang aktor-TV host sa kanyang mga tagasuporta sa Wowowin-Tutok To Win.

“Happy birthday, Kuya Wil!” lang ang puhunan ng kanyang tinatawagan at agad-agad na silang makakatanggap ng premyong beinte mil. May kasama pang jacket ‘yun at ang mahalagang armas ngayon ng mga batang nag-aaral na tablet.

Kapag hindi pa kasya ang beinte mil ay nagdadagdag siya nang hanggang singkuwenta mil. Kung ano ang sitwasyon ng kanyang tagasuporta ay ‘yun ang ibinibigay niyang papremyo para sa kanyang kaarawan.

Ito ang nakakatawa. May nagpapanggap na siya raw si Willie Revillame. Humihingi ang nagte-text nang kuwarenta pesos na load. Si Willie mismo ay nakatanggap ng ganu’ng text mula sa scammer.

“Akalain mo, ako pa ang natiyempuhan niyang lokohin? Siya raw si Willie Revillame, nanghihingi siya ng load na 40 pesos! Luko-luko, di ba?

“Namimigay nga ako ng premyo sa mga nagte-text sa Wowowin, tapos, kuwarenta pesos na load lang, ipangpapalimos ko pa?” tawa nang tawang kuwento ni Willie nang makakuwentuhan namin.

Sa kanyang kaarawan ay wala nang mahihiling pa si Willie. Lahat ng materyal na yaman sa mundo ay nasa kanya na. Sobra-sobra pa nga ‘yun sa kanyang pinangarap lang.

Harinawang maging ligtas siya sa anumang kapahamakan. Alagaan niya sana nang maayos ang kanyang kalusugan. Huwag siyang magkakasakit, huwag niyang abusihin sa katatrabaho ang kanyang katawan, dahil iisa lang ang ating buhay na hindi na maaaring palitan.

Ang mga taong natutulungan niya, ang mga kapuspalad nating kababayan na binabago niya ang estado ng buhay sa milyun-milyon niyang papremyo sa kanyang programa, ang kanilang mga panalangin ang nagiging mahalagang susi sa paghaba pa ng kanyang buhay.

At mas maraming dasal ay mabilis na nakararating sa langit. Ang sama-samang panalangin ay palaging may matibay na tulay ng milagro na nagaganap.

AKTOR AKTRES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with