^
Shows ng ABS-CBN nasa Cignal na

Shows ng ABS-CBN nasa Cignal na

SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - January 20, 2021 - 12:00am

Hindi pa raw malinaw kung matutuloy nga ang nagaganap na nego between TV5 and ABS-CBN na si Deo Endrinal diumano ang nakikipag-usap ayon sa isang source. Maraming show daw ang inio-offer ng Dos if ever na magkaayos ang negotiations kabilang na ang Ang Probinsyano.

Kaya naman habang wala pang kasiguruhan ang pagpasok nila sa free TV pambu­ngad ng Jeepney TV sa 2021 ang mga paboritong Kapamilya teleserye na available na sa Cignal channel 44. Yup nasa Cignal na ang Jeepney TV.

Una sa mga handog ng Jeepney TV ang pagbabalik ng hit ABS-CBN fantaserye nina Enrique Gil at Liza Soberano na Bagani, kung saan pwedeng balikan ng LizQuen fans ang istorya kung paano pinrotektahan nina Lakas, Ganda, at iba pang Bagani ang lupain ng Sansinukob.

Mapapanood din ulit ang romantic-drama series na Be My Lady nina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga tampok ang masiyahin at masipag na karakter ni Pinang at kantang Tatlong Bibe.

Nagbabalik din ang komplikadong kwento nina Andrea, Veronica, Rafael, at Miguel sa Kahit Puso’y Masugatan na pinagbibidahan nina Iza Calzado, Andi Eigenmann, Jake Cuenca, at Gabby Concepcion, tungkol sa mga panganib ng pag-ibig.

Samantala, mapapanood na ng Cignal viewers ang tinaguriang ‘pambansang game show’ na Game KNB? sa pag-ere nito sa Jeepney TV para sa ikalawang season, bukod sa paglalaro nito sa Pinoy livestreaming app na Kumu (@gknb). Maaari rin nilang sundan ang primetime dramas ng Kapamilya Channel sa Jeepney TV at mag-catch up sa It’s Showtime mula Lunes hanggang Biyernes, 10 p.m., at tuwing Sabado ng 8 p.m.

Nandun din ang Bagani weeknights tuwing 7:30 p.m., Be My Lady 4:35 p.m.,  Kahit Puso’y Masugatan 12:30 p.m., at Game KNB? season 2 tuwing 12 nn sa Jeepney TV na mapapanood sa Cignal channel 44 ng mga nag-avail ng Postpaid Plan 290 and up at Prepaid Load 100 and up.

ABS-CBN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with