^
Arci, itutuloy na ang pagpipiloto
Arci
STAR/ File

Arci, itutuloy na ang pagpipiloto

(Pilipino Star Ngayon) - January 20, 2021 - 12:00am

Matagal nang pinapangarap ni Arci Muñoz na maging isang piloto kaya naman sumailalim sa basic military training noong isang taon. Ngayon ay isa nang ganap na sarhento ang aktres sa Phi­lippine Air Force Reserve Command at nakatakdang mag-aral ng pagpipiloto. “’Yon talaga ang gusto ko ever since. Actually mag-i-start na ako ng flying school ko sa February or March. Kailangan ko lang talaga maghanap ng medyo mahaba-habang bakanteng schedule kasi matagal ‘yon. Matagal ang pag-aaral na ‘yon,” paglalahad ni Arci.

Bukod sa pangarap na maging isang piloto ay hangad din ng dalaga na magsilbing inspirasyon para sa mga kababayan. “It’s part of my responsibility as a citizen for our country kaya ko ito ginawa. I also want to inspire a lot of people, mostly the young generation and the girls. Tayong mga kababaihan na kaya rin nating ang ginagawa ng mga lalaki nating sundalo. So ‘yon ‘yung ipinakita ko habang nagte-training kami. Talagang hindi ako sumuko. May time na lumuluha na ang mata ko sa sobrang hirap pero kaya ko ‘to. May time na tinatanong ko sarili ko, ‘Ano ba itong napasok ko?’ But at the end of the day, it’s the fulfillment na I endured that feat. During the time of pandemic pa na nakapag-training kami sa bundok pero we did follow safety procedures. Ibang feeling, there’s a renewed feeling of self-respect na I gained after graduating,” paliwanag ng aktres.

Janine, ayaw mag-artista noon

Noong isang linggo ay naipakilala na si Janine Gutierrez bilang pinakabagong Kapamilya star ng ABS-CBN. Maituturing na isang showbiz royalty ang aktres dahil galing sa angkan ng mga kilalang artista sa industriya.

Aminado ang dalaga na ayaw niyang tahakin noon ang landas ng mga magulang na sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher. Apo si Janine nina Nora Aunor at Christopher de Leon, Pilita Corrales at Eddie Gutierrez. “Parang no’ng bata ako, I was super apprehensive. As in every time people would ask me kung mag-aartista ako, I would say, ‘Ayoko!’ They kept asking me kasi nga lahat ng kamag-anak ko, lahat ng lolo at lola ko, artista. So parang feeling ko I had no choice. So bilang pasaway, bilang feeling ko I want to make my own choice, sinasabi ko, ‘Ayoko mag-artista, lahat sila artista na,’” nakangiting kuwento ni Janine.

Ayon sa dalaga ay duma­ting na lamang talaga ang tamang panahon nang maisipan niyang pasukin na rin ang show business. Wala umanong pumilit kay Janine na mag-artista mula sa kanyang mga kamag-anak. “Na-realize ko when I got older, I just wanted to be sure na kung mag-aartista nga ako, it’s because gusto ko. Hindi dahil pinilit ako or hindi dahil wala akong choice. In the end, ako din naman ang nag-decide to try it out,” dagdag niya.

Hindi naging madali para kay Janine ang kanyang mga pinagdaanan noong nagsisimula pa lamang sa pag-arte sa harap ng kamera. “Wala naman akong experience like sobrang I know na I’m so lucky and alam ko ‘yung privilege ko bilang anak ng artista. I was given an opportunity to guest on mga shows. I had never naman performed live or on theater tapos biglang sasalang ka. So ang hirap, hindi naman ako magaling. So parang baptism of fire siya, do’n ka na matututo,” pagbabahagi ng aktres. (Reports from JCC)

ARCI MUNOZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with