^
LizQuen, hinahanap na ng fans
Enrique Gil at Liza Soberano

LizQuen, hinahanap na ng fans

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - January 19, 2021 - 12:00am

Bakit kaya parang wala pang bagong project sina Enrique Gil at Liza Soberano?

Isa sila sa loveteam na ang ganda ng chemistry at mahusay umarte. Sure ako na rater ang dalawa dahil ilang successful serye na ang nagawa nila.

Nakaka-miss kasi na hindi napapanood sina Enrique at Liza, samantalang marami ang naghihintay sa projects nila.

Sana gawan na sila ngayon habang inip na inip na ang fans nila dahil nga sa matagal na ring hindi napapanood ang dalawa.

O baka naman may ibang project sila na gagawin, hindi lang sinasabi pa ng manager nila na si Ogie Diaz na kasing busy ng kanyang talent na si Raffy Tulfo?

Jomari at ex, dapat magkasundo para sa mga anak

Nabuksan na naman ang issue tungkol kay Jomari Yllana at sa ex niya na Joy ang name. Kagulat naman na P100K ang electric bills na dapat bayaran.

Gaano ba kalaki ang bahay, pati ba restroom o toilet may aircon? Saka bakit pinaabot sa ganu’n kalaki ang bills, hindi ba dapat ayusin agad para hindi na lumaki?

Ewan ko kung ano ang usapan nila Jomari at ex niya, pero hindi naman siguro ganu’n ka-iresponsable si Jomari para hindi ayusin kung para man lang sana sa mga anak niya. Dalawa ang naging anak niya kay Joy, sure akong kahit papaano ay binibigyan iyon ng sustento ni Jomari lalo pa at mga bata pa ito.

Sana naman pag-usapan nila nang mahusay, hindi ‘yung nasa social media agad kaya parang hinubaran mo na si Jomari.

Alam ng ex ni Jomari na public figure ito, isang pulitiko, na dapat maayos ang makitang image ng publiko, pero ganyan ang lagi niyang ginagawa, ipaalam sa lahat ang kasiraan nito na para bang gusto niya talagang ibagsak. Lalong walang maibibigay si Jomari para sa kanilang anak ‘pag nasira ito sa tao, kaya sana, ano man ang gusto niyang sabihin, idiretso na kay Jomari.

‘Pag talagang hindi ito nagbigay, saka siya mag-public sa statement niya. Hindi naman lahat dapat iasa sa lalaki, dapat din gumawa ka ng paraan para tulungan ang sarili kung talagang gusto mo na mabuhay nang mabuti ang mga anak mo.

Hindi lang naman ang babae ang may rights, kahit ang lalaki ay meron ding karapatan. Lagi na­ting tingnan kung sino talaga ang may katuwiran, o ‘yung tama. Huwag tayong magpadala sa emosyon lang.

ENRIQUE GIL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with