^

Aktor na mahusay at galing sa entablado, kulang sa pakikisama

UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - January 19, 2021 - 12:00am

Hindi kagandahan ang imahe ng isang magaling na aktor sa pinagmulan niyang mundo. Bago sumalang ang lalaking personalidad sa pagharap sa mga camera ay nakatira lang siya sa entablado.

Maliit lang ang kanyang kinikita pero gusto niya ang kanyang ginagawa, magaling siyang umarte, ang dahilan kung bakit hindi na siya pinakawalan ng mundo ng telebisyon nang masubok ang kanyang talento.

Kuwento ng aming source, “Puwede rin siyang ibilang sa listahan ng mga artistang may sariling mundo. Ito kasing si ____(pangalan ng magaling na aktor), e, palagi ring may mood swings.

“Ang palaging katwiran du’n ng iba, e, artist kasi sila, mga anak ng ­sining, kaya meron talagang pagkakataong mahirap silang intindihin,” pasakalye ng aming impormante tungkol sa male personality.

Pero wala naman siyang tinatapakan, hindi rin siya pintasero, tahimik lang siya at sariling talento lang niya ang pinakikialaman.

Patuloy ng aming source, “Di ba, hindi lang naman ang husay sa pag-arte ang kailangan? Dapat, e, may magandang PR din ang personality, kailangang marunong din siyang makisama sa mga co-actors niya.

“Du’n lang naman siya nabubutasan ng mga kasamahan niya, hindi siya marunong makisama, hindi siya nagdyo-join sa mga kaibigan niya kapag nagkakayayaang lumabas after ng work nila.

“Pero bilang tao, okey naman siya, walang naririnig na pintas sa male personality para sa mga kasamahan niya. hindi siya ganu’n, marespeto siya sa talento ng iba.

“Masuwerte siya, bukod sa nakilala na siya, e, ang dami-dami pa niyang work ngayon, hindi siya nababakante. Iba na talaga ang may puhunan sa pag-arte.

“Puwede kasi siyang gumanap na brusko, puwede rin siya sa gay roles, nagpapakilig din siya ng televiewers, kaya panalung-panalo ang male perso­nality!

“Matuto lang sana siyang makisama, hindi naman puwedeng sarili rin niya ang kausapin niya habang nasa line of work siya. Konting PR lang naman ang kailangan niya.

“Sayang, magaling siyang umarte, guwapo naman siya, ano pa ba ang hahanapin sa kanya kundi magandang PR na lang? Maigsi lang ang name niya, dalawang letra lang!” pagbibigay pa ng clue ng aming impormante.

Ubos!

Toni at Alex sa mga asawa lang ibinigay ang kabirhenan

Magkapareho ang kapalaran ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga. Unang seryosong nakarelasyon ang kanilang napangasawa.

Si Direk Paul Soriano para sa panganay at si Councilor Mikee Morada naman para kay bunso.

Nu’ng ikasal sina Direk Paul at Toni ay sinabi ni Alex, “Ayan, direk, kasal na kayo ng ate ko. Makukuha mo na ang matagal mong inaasam-asam!”

Kapaniwalaan sa lokal na aliwan na birhen pa ang magkapatid nang magpakasal sila. Sa paniwalaan o hindi ng iba dahil panahon na ng milenyal ay naniniwala kaming totoo ‘yun kina Toni at Alex.

Choice nila ‘yun. Na ang pinakamagandang regalong maaari nilang ibigay sa kanilang mapapangasawa ay ang kanilang kabirhenan.

Nobyembre pa nagpakasal sina Alex at Mikee Morada. Minsan na naming pinag-usapan ‘yun sa Cristy Ferminute at Take It, Per Minute… Me Gano’n.

May lumabas kasing retrato ng kanilang pamilya, kumpleto sila, pati ang anak nina Direk Paul at Toni ay kasama sa picture. Mara­ming nag-isip na nagpakasal na nga sina Konsehal Mikee at Alex.

Pero hindi nila ‘yun kinumpirma at idinenay, ang sabi ng aming kausap, “Natural, hindi nila ‘yun sasagutin. Ipaghihintay nila ang katotohanan sa mismong vlog ni Alex dahil malaki ang kikitain niya du’n!”

At ‘yun nga ang naganap. Umamin sina Konsehal Mikee at Alex sa kanyang vlog na mil­yun-milyon ang kanyang tagasubaybay. ­Ilang minuto pa lang na lumalabas ang kanilang pag-amin ay milyunan na agad ang tumutok.

Pero kailangan nating irespeto ang kanilang desisyon, pareho silang abala sa trabaho, puwedeng ipinaghihintay talaga ang ganu’n kaseryosong pagsisiwalat ng katotohanan.

Isang maayos at magandang relasyon ang hiling namin kina Mikee at Alex. Magkakasundo sila, isang tahimik na lalaki at isang galawgaw na babae, napakagandang kumbinasyon ang meron sila.

At sana’y magkaroon agad ng produkto ang kanilang pagmamahalan para madagdagan na ang apo nina Daddy Bonoy at Aling Pinty.

 

ACTOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with