^
Richard, âdi pamilya ang kasama sa kanyang birthday
Richard

Richard, ‘di pamilya ang kasama sa kanyang birthday

YUN NA! - Jun Lalin (Pilipino Star Ngayon) - January 19, 2021 - 12:00am

Birthday ng Gutierrez twins on Thursday. Si Raymond, may pa-intimate dinner with some friends.

Kuwento niya nang magkita kami sa White Plains house nila noong Sunday, may antigen swab test muna sila ng ilang friends niya at he’s making sure na may social distancing pa rin. Better safe and sorry raw lalo na at matindi pa rin naman ang banta ng COVID-19.

Si Richard naman, nasa lock-in taping pa ng FPJ’s Ang Probinsyano at nang makatsikahan ko si Sarah Lahbati kahapon, sinabing sa end of the month pa ang uwi ng kanyang mister.

So, belated intimate birthday celebration na lang si Richard with his family pagkatapos niya sa 4th lock-in taping niya for FPJ’s Ang Probinsyano.

I’m sure, magse-celebrate rin si Richard sa location nila ng FPJ’s Ang Probinsyano kung saan ay para na rin silang isang pamilya ng mga kasamahan niya.

Noong wala pang pandemic, madalas na nagpaplano ng joint birthday celebration ang Gutierrez twins, pero iba na nga ang panahon ngayon.

Bianca, laglag na rin sa Probinsyano

Hindi lang pala si Yassi Pressman ang nawala sa cast ng FPJ’s Ang Probinsyano, pati si Bianca Manalo na madalas na kasama niya sa kanyang mga eksena sa action series na ‘yon ng ABS-CBN ay wala na rin pala sa show.

So, hindi ako magtataka kung palaging makikitang magka-date na naman si Bianca at ang boyfriend niyang si Senator Sherwin Gatchalian.

Ngayong hindi na busy si Bianca sa FPJ’s Ang Probinsyano, magkaroon na kaya ng marriage proposal sa kanya ang boyfriend na pulitiko?

Marami sa mga kaibigan ni Bianca ang umaasa na mauuwi sa kasalan ang relasyon ng dalawa.

Serye nina Maris at Kokoy, inaabangan kung magba-babu na rin

Naku, Ateng Salve, bukas pa lang pala matutuloy mag-lock-in ang cast and staff ng Stay In Love ng TV5. Bale second cycle nila ‘yon para sa kanilang 13-week run.

May inayos pa yata sa script, kaya medyo na-delay sila. Pero noong Sunday naman daw ay nagpa-PCR swab test na ang cast.

Magkaroon kaya ng second season ang weekly sitcom na ‘yon na pinagbibidahan nina Maris Racal at Kokoy de Santos lalo na ngayong maraming shows ng TV5 ang nag-goodbye na?

Well, let’s wait and see, pero ang weekly sitcom daw nina Ian Veneracion at Dimples Romana, may second season naman with Dimples. Nice. ‘Yun na!

 

RICHARD GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with