^
Brightlight, mahigit p500 milyon na ang gastos sa anim na programa?!
Maja
STAR/ File

Brightlight, mahigit p500 milyon na ang gastos sa anim na programa?!

SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2021 - 12:00am

Ahh three months lang palang napanood sa TV5 ang Sunday Noontime Live na kahapon nga ay umere na ang last episode.

Kaya naman nagpasalamat ang isa sa mga host nito na si Maja Salvador. “Maraming salamat po sa inyong lahat na sumubaybay, sumuporta, at nakisaya sa amin sa isang buong season ng #SNL

“Thank you very much Mr. M sa pagbuo ng show na ito para makapagbigay ng trabaho sa marami at makapag dulot ng saya sa lahat ng mga fans for the past 3 months!”

Si Johnny Manahan ang nire-refer na Mr. M ni Maja.

Nagkaroon noon ng slight na ingay ang pagtanggap ni Maja sa nagtapos na prog­rama dahil nga diumano ay may bargain ito na kung hindi siya papayagang tanggapin ang show ay kailangan siyang bigyan ng guaranteed contract ng Kapamilya Network kahit dumaraan ang ABS-CBN sa krisis matapos itong hindi magkaroon ng franchise, kasabay ng pandemya.

Kasama sa mga poste ng programa si Piolo na may gagawin na raw agad teleserye sa ABS-CBN at si Catriona Gray ay wala pang reaction sa pagkawala ng kanilang programa.

Isa lang ang SNL sa anim na programa ng Brightlight Productions ni former Congressman Albee Benitez na umere sa TV5 na hindi na mapapanood. Ang dalawa pa ay ang I Got You at Kada Sunday.

Tuloy ang Rated Korina, LOL and Oh My Dad!

Ang chika, ang laki na raw ng lugi ng Brightlight. Diumano, umabot na sa more than P500 million ang budget nito at maingay lang daw sa social media ang ibang programa nila pero hindi nagko-convert sa mataas ng viewership para maka-attract ng maraming advertisers.

Hindi raw maka-recover kahit na nga may commercials dahil ang laki ng production cost ng mga programa plus ang talent fee ng mga artista particular na ang mga galing sa Kapamilya Network. Hindi rin diumano nag-implement ng pay-cut ang Brightlight.

Nauna nang sinabi ng dating pulitiko na alam naman niyang hindi basta-basta makaka-recover ang mga programa nila dahil kahit raw siya ay naghahanap kung saan napunta ang ibang televiewers.

Sinabi niyang makikita sa data na nung nagkaroon ng pandemic at magsara ang ABS-CBN almost 1/3 ng market / audience share ng TV ang nawala. “So ‘yun ang hinahanap natin ngayon saan nagpunta ang mga iyon,” pahayag ng negosyanteng dating pulitiko sa last interview namin sa kanya.

Six months lang ang contract niya as blocktimer sa TV5 at after six months, ang agreement nila ay co-production na with the network.

MAJA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with