^
Hello Stranger Movie, unang patikim ng IwantTFC
Jerry Yan
STAR/ File

Hello Stranger Movie, unang patikim ng IwantTFC

SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2021 - 12:00am

Bagong simula at bagong pag-ibig ang ibibidang mga kwento ng iWantTFC, ang tinaguriang “home of Filipino stories,” sa unang dalawang buwan ng 2021, kabilang na ang nakakakilig na mga ser­yeng pagbibidahan nina Jerry Yan, Ro­xanne Guinoo, Joross Gamboa, Ronnie Alonte at Loisa Andalio.   

Hatid nito para sa Pinoy boys’ love fans ang bagong kakikiligang Thai series na A Tale of Thousand Stars tampok sina Earth Pirapat at Mix Sahaphap na ipapalabas kasabay ng Thailand airing nito simula Enero 29.

Ngayong Lunes, mapapanood na rin ang critically acclaimed movie na Quezon’s Game  tungkol sa pagsagip ni dating Pres. Manuel L. Quezon sa 1,300 na Jewish survivors mula sa Holocaust.

Sa Enero 18, libreng masusubaybayan sa iWantTFC ang pagsisimula ng original romcom series na Hoy, Love You tampok ang pagbabalik-tambalan nina Roxanne Guinoo-Yap at Joross Gamboa.

Mapapanood na rin ang pagtatapos ng La Vida Lena ni Erich Gonzales at The House Arrest of Us nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla bago matapos ang buwan.

Siksik din sa sorpresa at kilig ang buwan ng mga puso sa iWantTFC sa pagdating ngayong Pebrero 10 ng original series na Unloving U, kung saan susuungin nina Ronnie Alonte at Loisa Andalio ang mga hamon ng bawal na pag-ibig.

Saktung-sakto ring pang-Valentine date ang muling pagsasama nina Tony Labrusca at JC Alcantara sa movie version ng Hello Stranger,  ang most anticipated romantic Pinoy boys’ love movie ng taon, sa Pebrero 12.

Muli ring magpapakilig ang Taiwanese heartthrob na si Jerry Yan sa 2020 romantic comedy fantasy series na Count Your Lucky Stars, kung saan kasama niya si Shen Yue, ang gumanap na San Chai sa Chinese remake ng Meteor Garden.

Sa ngayon, patuloy na napapanood worldwide sa iWantTFC ang bagong original anthology series nitong Horrorscope at ang MayWard movie na Princess DayaReese. Nasusubaybayan din ang Thai series na The Shipper sa Pilipinas, at ang pelikulang Belle Douleur naman para sa subscribers sa labas ng Pilipinas.

JERRY YAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with