^
Dimples, bumalik sa pinagmulan!
Dimples at Ian
STAR/ File

Dimples, bumalik sa pinagmulan!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2021 - 12:00am

Natapos na nga ang I Got You, at nagkaroon ng rerun ang finale episode nito kahapon ayon na rin sa inilabas na statement ng Brightlight Productions.

Ang Sunday Noontime Live ay natapos na rin kaya baka-bakasyon na si Papa P (Piolo Pascual) sa Cancun, Mexico na kung saan doon nga niya sinilebrayt ang kanyang kaarawan.

Umalma naman ang isang writer ng Sunday Kada na sinabi niyang season ender lang daw sila at abangan ang pagbabalik. Pero sana nga makabalik. Kahit sinasabing marami-rami itong commercial load, malaki pa rin ang budget dahil sa rami nila at naglu-location pa sila ng taping.

Naiwan ang Oh My Dad! na ginagawa na ngayon ang script ng book two. Hindi na nga lang kasali si Dimples Romana dahil bumalik na siya sa Kapamilya channel. May ilang karakter daw na madadagdag at nandun pa rin si Ian Veneracion.

Happy naman daw sila sa resulta ng Rated Korina at ang Lunch Out Loud na medyo madugo rin ang gastos araw-araw.

Okay naman ang pasok ng commercial load, pero ayon sa ilang napagtanungan namin medyo nahihirapan daw talaga sila sa TV5 dahil mahina pa rin ang reach nito.

Napatunayan ‘yan ng ilang kaibigan namin sa mga probinsya na nahirapang manood sa TV5 dahil nawawala raw ang signal. Kahit nga sa ilang bayan sa Laguna ay hindi raw abot ng TV5.

Snooky at Dina, mas gusto ang lock-in

Super hataw na ang pagbabalik ngayong araw ng mga programa ng GMA 7 at mga bagong prog­ramang ilulunsad sa GMA News TV.

Pagkatapos ng Eat Bulaga ay susunod na ang Magkaagaw at  ang Anak ni Waray vs. Anak ni Biday na magsisimula muna ang recap episodes.

Pero tatapatan naman ito ng The Lost Recipe ng GMA News TV nina Kelvin Miranda at Mikee Quintos.

Tuluy-tuloy na ang taping at pagsisimula ng mga bagong programa, pero nilinaw ng executives ng GMA 7 na sinusunod nila ang safety protocols na pinapatupad ng IATF. Lalo na ngayong napapabalita ang pagpasok sa bansa ng bagong variant ng COVID-19, hindi naman daw sila naaalarma dahil ang mahalaga ay nananatili silang nag-iingat at sumusunod sa safety protocols. “Prepared naman kaming lahat para ma-avoid ‘yung circumstances na ‘yun,” pakli ng Program Manager ng Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday na si Ms. Camille Hermoso.

Pero sa totoo lang, mas gusto na ng karamihang artista ang ganitong setup na naka-lock in dahil mas nakaka-focus daw sa trabaho. Sabi ni Dina Bonnevie, dati na raw nilang nagagawa ang lock-in shooting noong ginagawa nila sa Regal ang Katorse, Temptation Island at ilang pelikulang sinu-shoot sa probinsya. “Ganundin dati kapag ginagawa namin ang pelikula noon. Naka-lock in na kami,” sabi ni Ms. D sa nakaraang virtual mediacon ng ANWVANB.

Ganundin ang gusto ni Snooky Serna na bahagi rin ng nagbabalik na drama series na ito ng GMA Telebabad. “Of course, hindi natin tanggap ‘yung pandemya. We’re praying so hard na sana matapos na ito. I believe in faith na lahat naman may katapusan. It will come to an end,” pakli ni Snooky. “’Yung system ng lock in appreciated ko… mas gusto ko kasi nadidisiplina ko ‘yung sarili ko, natuturuan ako na magkaroon ng sistema,” sabi pa ng aktres.

“Kahit ano, lagi naman akong ready. Kung ano ang gusto ng boss na dapat masusunod sa production, ready ako may pandemic o wala,” dugtong naman ni Jay Manalo.

Angel, G NA G sa Probinsyano

Okay na okay pala kay Angel Locsin na mag-guest sa FPJ’s Ang Probinsyano bago ang kasal nila ni Neil Arce. ‘Yan ang isa sa nabanggit ni Angel sa virtual interview sa kanya ni Noel Ferrer sa Level Up ng Radyo Katipunan.

Nabanggit kasi noon ni Coco Martin na wish niyang bago matapos ang Ang Probinsyano ay sana mapagbigyan daw sila ni Angel na mag-guest dito.

G na G si Angel sa guesting niya sa teleserye ni Coco, pero sure na sure naman daw siyang hindi pa ito magtatapos kaya natitiyak niyang makapag-guest siya kapag maayos lang sa schedule niya.

Sa teleseryeng Darna ni Jane de Leon, iimbitahan kayang mag-guest si Angel?

FPJ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with