^
Piolo, Catriona at Maja, hindi gumana ang star power!

Piolo, Catriona at Maja, hindi gumana ang star power!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2021 - 12:00am

Sad news naman na after lang ng three months, wala na ang Sunday show nila Piolo Pascual at ‘yung gag show ni direk Bobot Mortiz.

Kaloka na ganu’n lang kadali tumagal ang inakala ng marami na magiging matinding kalaban ng ASAP Natin ‘To at All-Out Sundays.

Bongga pa naman ang opening salvo ng shows sa TV5 kaya nabigla ang marami nang lumabas ang balita kahapon.

Siguro kaya bago nag-Sunday eh pumunta ng Tagaytay si Pat-P Daza para iwasan ang mga inquiry sa kung ano ang nangyari.

Clueless ang lahat, nabigla, dahil nga inakala na ito na ang magbibigay ng magandang laban sa GMA 7 at sa ABS-CBN.

Ang ganda ng programming ng TV5 at excited ang producer at very supportive si Papa Albee Benitez, anong nangyari? Bakit biglang nag-stop na? Baka palitan ng bagong show? Baka magkaroon ng reprogramming? Baka ang ibang stars ang ilalagay?

Waiting pa rin tayo sa sasabihin ni Pat-P, ang reyna ng Brightlight Productions, para maliwanagan tayo sa mga nangyayari. Sayang ang momentum ni Papa Albee sa TV and movie production kung bigla siyang mawawalan ng gana. Ang laking kawalan nito sa showbiz. Very unfortunate.

Hindi talaga sapat ang star power lang. Imagine Piolo Pascual, Catriona Gray, Maja Salvador, pero hindi nagtagal sa laban. Hindi mo talaga matukoy ang talagang gusto ng viewers, ‘yung susundan nila ng panonood, ‘yung talagang hindi nila iiwan o bibitawan.

Kahit ‘yung gag show na sa Boracay pa nag-taping para magkaroon ng feeling of normalcy, hindi rin kinagat ng viewers.

Ano ba talaga ang formula, ano ba talaga ang gusto?

Ang daming nagsasabi na corny ang skits ng All-Out Sundays ng GMA 7, pero hayun at hanggang ngayon buhay pa. Ang daming nagsasabi na hindi gaanong makinang ang stars ng GMA Artists Center, pero hayun sinusundan ang mga programa nila. Sabi, hindi kilala ang mga artista ng GMA 7 pero hayun lumalaban naman sa rating. Pero bakit ‘yung big stars na merong shows, heto at sandali lang nagsara na?

Hindi kasi stars lang ang nagdadala, marami ring factors, parang isang ulam na para sumarap ay maraming rekado. Ganyan ngayon ang tanggapin natin, kahit lagyan mo ng malaking stars, ‘pag hindi rin sinuportahan, wala rin.

Sayang nga dahil third force na sana ang lahat ng binuksang programa sa TV5, pero heto nga at unti-unti nang nawawala. Kailangan ang re-assessment para sa bagong shows na gagawin.

Sana naman maging mainit na ang TV5, sana magtagumpay na sa audience share. Kailangan natin ang third force para lalo pang magtagumpay ang showbiz.

PIOLO PASCUAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with