^

Papa P. itatambal sa ex loveteam!

YUN NA! - Jun Lalin (Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2021 - 12:00am

May ilang Kapamilya stars na nag-TV5 sandali ang nakatakda raw bumalik sa ABS-CBN nga­yong wala na silang show sa Kapatid network.

Marami naman kasi sa Kapamilya stars ang maayos ang naging pagpapaalam sa ABS-CBN exe­cutives kaugnay ng pagtanggap nila ng show sa TV5.

Tama ba na ang isang kilalang aktor ay inaayos na ang magiging series uli sa Kapamilya network at malamang na balik-tambalan nila ‘yon ng isang aktres na naka-love team niya noong araw?

Pero paano kaya ang isang aktres na pinigilan sa paggawa ng show sa TV5 dahil may ibibigay sana sa kanyang series bilang kapalit ng isang aktres na biglang nag-back out sa project na ‘yon, makakabalik pa kaya siya sa ABS-CBN?

Tumanggi raw kasi ang aktres na ‘yon sa series na ibinibigay sa kanya ng ABS-CBN executive na pumigil sa pag-alis niya sa Kapamilya network, pero mas pinaboran nga ng aktres ang show ng TV5.

Well, let’s wait and see kung makakabalik ba siya sa Kapamilya network, hug!

Janine, sasalubungin sa sunday

Sa Sunday pala ang pinaka-“big welcome” kay Janine Gutierrez sa ASAP Natin ‘To.

Nakapag-taping na nga raw si Janine sa production number niya kung saan kasama niya ang tatlong haligi ng nasabing musical concert show ng ABS-CBN.

Tinanong ko ang isang nakakaalam sa gues­ting na ‘yon ni Janine kung may duet din ba sila ng brother niyang si Diego Gutierrez na regular sa ASAP Natin ‘To, pero not this Sunday raw.

Baka sa future guesting daw ni Janine.

Anyway, inaabangan ang announcement ng gagawing series ni Janine sa Kapamilya network.

May mga nagtatanong kung si Paulo Avelino ba ang makakapareha niya sa series na ‘yon dahil pareho nga silang binigyan ng dinner (para sa pagkapa­nalo nila ng acting awards) ng isa sa big bosses ng Kapamilya network at head ng Dreamscapes na si Deo Endrinal.

Well, abangan na nga lang daw ang announcement dahil ayaw ring “ibuking” ng manager ni Janine na si Leo Dominguez ang tungkol doon.

Oo nga pala, Ateng Salve, masaya ang kampo ni Janine na marami ang natuwa at excited sa pagpirma niya ng kontrata sa Kapamilya network.

Aktres na takot sa aso, naimpluwensyahan ng karelasyon

Natuwa ang isang nakatsikahan ko dahil panay ang post ngayon ng isang aktres ng tungkol sa alaga nitong dog.

Sa isang magazine pictorial daw kasi nila ay nalaman niyang takot sa dogs si aktres. “Pero mukhang ‘yung aktor na nali-link sa kanya, eh, mahilig sa dogs, kaya ngayon, may alaga na rin siyang dog,” ang sey ng nakatsikahan ko.

Well, baka dahil nga sa pag-ibig ay nawala ang takot ni aktres sa dogs. Ang bongga! ‘Yun na!

ABS-CBN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with