^
Angel, nagpapa-freeze na ng eggs
Neil at Angel

Angel, nagpapa-freeze na ng eggs

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2021 - 12:00am

Handa nang maging nanay

Hindi pa ibinahagi ni Angel Locsin ang bagong sche­dule ng kasal nila ni Neil Arce, pero marami naman siyang naikuwento sa wedding preparations nila nang kapanayamin siya sa Level Up ng Radyo Katipunan ni Noel Ferrer.

Sabi ni Angel, all-set na raw talaga sana ang wedding nila nung nakaraang taon at naka-schedule na raw silang tumulak pa Oslo, Norway para sa kanilang pre-nup shoot. Settled na raw lahat iyun, pero biglang na-cancel dahil sa nagsimula na ang Enhanced Community Quarantine. “Buti na lang at hindi kami natuloy, at baka hanggang ngayon nandun pa rin kami,” pakli ni Angel sa interview sa kanya ni Noel nung nakaraang Biyernes.

Ngayon ay si Neil na raw ang naghahanda lahat dahil gusto naman daw niyang memorable para sa Kapamilya actress ang araw na iyun.

Back to zero raw sila sa preparasyon dahil iba ngayon gawa ng pandemic na patuloy pa rin nating hinaharap. “Mas na-appreciate ko ang mapapangasawa ko ngayon kasi imbes na ako ang maging bridezilla, siya talaga ang groomzilla,” napapangiting pahayag ni Angel.

“He wants to give me a proper wedding. Gusto ko rin na ako ang magi-entertain sa mga guests…yung host ako and I’ll oversee that everyone is having a good time, pero of course iba ngayon, kasi may pandemic nga,” dagdag pang pahayag ni Angel.

Hindi lang daw ang sarili niya ang iniisip sa preparasyon kundi ang safety daw ng lahat na dadalo.

Handa na rin daw si Angel sa buhay may-asawa, at isa nga raw sa bahagi ng paghahanda ay nasa proseso raw siya ngayon ng pagpapa-freeze ng eggs niya para sa binubuong pamilya nila ni Neil.

Ara, umaasang magkakaanak pa

Ang isa ring pinag-uusapan ang preparasyon ng wedding ay ang kay Ara Mina na ngayong taon na rin ang kasal. Nang nakatsikahan namin si Ara sa radio program namin sa DZRH, tinanong din namin sa kanya kung ­willing din ba siyang magpa-fertilize ng eggs niya para magka-baby na rin sila ni Undersecretary Dave Almarinez, at magkaroon ng kapatid ang anak niyang si Mandy.

Sagot ni Ara sa amin; I think puwede na hindi na ako dumaan sa ganung process kasi nagkaanak na ako. It’s hard kasi especially sa mga hindi pa nagkakaanak. Hindi mo pa kasi masasabi kung kailan siya makakabuo. Dati, nung wala pa akong boyfriend naisip kong magpa-freeze ng egg. Medyo nagtatanong na ako. Kasi natatakot din ako na baka mamaya, 48 na ako wala pa rin. Pero I think, ano naman…mukhang kaya ko pa.”

Mukhang excited din daw ang anak niyang si Mandy sa kanyang pagpapakasal.

Nasa lock-in taping kasi ngayon si Ara ng Ang Probinsyano kaya nasa telepono lang daw muna sila nag-uusap ng kanyang anak na tanggap ang gagawin niyang pagpapakasal.

Kung si Ara ang masusunod gusto raw niya sana ay garden wedding. Pero wala pa naman daw silang na-finalize dahil mag-uusap pa lang sila ng wedding coordinator. Pero sinasabi naman daw ni Dave na ibibigay sa kanya ang dream wedding niya.

Kinarir...

Impressive ng teaser ng Voltes V na nakatakda nang mapapanood sa GMA 7.

Mahigit 1M views na ito na kung saan 900 thousand plus sa Facebook at mahigit 300 thousand views sa You Tube ng GMA Network bagama’t wala pa silang nari-reveal na cast pero may ideya na kami kung sino ang ilang Kapuso stars na magiging bahagi nito.

May pinirmahan daw kasi silang non-disclosure agreement kaya hindi sila puwedeng magsalita. Pero mukhang exciting ang project na ito na talagang kinarir ni direk Mark Reyes.

Ang isa pang kinakarir din nang husto ay ang Agimat ng Agila ni Sen. Bong Revilla Jr. Tuwang-tuwa si direk Rico Gutierrez sa kinalabasan ng na-tape nilang mga eksena.

ANGEL LOCSIN NEIL ARCE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with