^
Kathniel, nakialam sa bago nilang teleserye
KathNiel

Kathniel, nakialam sa bago nilang teleserye

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2021 - 12:00am

Pinaghahandaan na ngayon nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang isang bagong teleserye. Si Juan Miguel Severo na malapit na kaibigan ng magkasintahan ang sumulat ng istorya para sa bagong proyekto. “Excited kami sa teleserye na gagawin. Kasi ‘yung concept no’n nanggaling kay Gege (palayaw ni Juan Miguel). It’s something na gusto namin ni DJ talaga kaya medyo na-delay dahil inaayos pa ‘yung script. We’re happy because we’re working on a project na gusto namin ‘yung concept,” pagbabahagi ni Kathryn.

Ayon sa dalaga ay ibang-iba ang seryeng gagawin kumpara sa kanilang mga proyektong nagawa noon. “Malayo sa last na ginawa namin which excites me and DJ. Kasi matagal na naming gusto gumawa ng ganitong klase pero mahirap ito sa execution. Kailangan talaga ng time namin for that,” dagdag ng aktres

Janine, mas pinakikinggan ng mga kapatid kaysa magulang

Hindi masyadong nakakasama ni Janine Berdin ang pamilya dahil nakabase sa Cebu ang mga ito. Para sa singer ay nakakaya naman niyang mamuhay na mag-isa sa Maynila upang maghanap-buhay. “Independent po ako na anak. As much as possible ayaw ko na masyadong ma-hassle or ma-stress ‘yung parents ko. Kung kaya kong gawin on my own, I’ll make sure to do it para matulungan ko na din po sila. Sobrang happy po kami ng family ko lagi. Every time na umuuwi po ako ay parang ang saya lang po lagi,” nakangi­ting pahayag ni Janine.

Responsable rin bilang ate si Janine sa mga nakababatang kapatid. Katulong ang dalaga ng kanyang mga magulang sa pagdidisiplina sa mga kapatid. “So many times na po lumalapit ‘yung mga parents ko sa akin, ‘yung mama at papa ko po. ‘Janine, kausapin mo nga ‘yung mga kapatid mo. ‘Yung mga maliliit mong kapatid, parang nakikinig sila sa iyo, hindi na sila nakikinig sa amin.’ Maybe it’s because ‘yung mga maliliit kong kapatid, alam nila na mas naiintindihan ko sila. When ever they do it parang nararamdaman ko that they trust me, and naha-happy po ako,” paglalahad ng singer.

Samantala, sa January 28 ay ipagdiriwang ni Janine ang kanyang ika-labing siyam na kaarawan. Mayroong kahilingan ang singer para sa mga mahal sa buhay at para na rin sa lahat. “Siyempre number one po na we all get through what we are going through. Kasi sobrang heavy po ng mga pagbabago na pinagdaraanan natin ngayon. So ang wish ko po talaga is I hope everybody adjust to what we are facing right now. Ang family ko sana maging safe sila. I hope everyone is safe kasi wala po talaga akong ini-expect sa birthday ko ngayon. I just want everyone to be happy and to be safe. ‘Yon lang po talaga,” pagtatapos ng dalaga. (Reports from JCC)

DANIEL PADILLA KATHRYN BERNARDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with