^
Alden, hindi inaabala ang utak sa babae
Alden

Alden, hindi inaabala ang utak sa babae

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2021 - 12:00am

Siguro sasabihin na naman ng readers bakit si Alden Richards na naman ang nasa column ko ngayon. Kasi nga kung napansin n’yo, kahit ngayong pandemic talagang si Alden ang left and right ang trabaho - tv, commercial at pati na iyon negosyo niya umaandar pa rin.

Kasi nga, sa sobrang sipag ni Alden at sa maganda niyang work attitude talagang sobra ang blessing na dumarating sa buhay niya.

Iyon pagiging loyal niya sa mga tao na tumulong sa kanya, iyon pagmamahal niya sa pamilya niya, all these nakatulong lalo sa pag-angat niya.

At kita mo na trabaho talaga ang focus niya, hindi inaabala ng ibang bagay ang utak niya, focus talaga.

Iyan kasi dapat, ‘pag trabaho, dun muna focus, ‘pag lovelife, dun din attention mo. Alam mo ang priority mo, alam mo ang path na gusto mo.

Kaya hayan, pandemic man o wala, laging nasa top of the game si Alden. Kaya laging siya ang makikita at mababasa mo, dahil siya talaga ang busy, very busy.

Panic na naman...

Dahil sa coronavirus, marami ang nagkaroon ng corona tinik, hah hah joke joke. Coro­nang tinik dahil sa mga problema na nakaharap ng marami dahil nga sa pandemic ng coronavirus. Lately nga, takot na naman dahil sa sinasabi na bagong variant ng covid-19.

Ano ba iyan, panic na naman. Kaya nga kung minsan dapat na lang isipin natin na fear itself ang kalaban, kaya dapat maging practical at mabuhay na lang tayo ng normal kahit na abnormal na ang paligid. Ingat na lang dahil andiyan na at hindi naman natin puwedeng takasan.

Wala na tayong magagawa pa kung pulos takot na lang ang madarama natin.

Basta samahan na lang natin ng dasal ang pag-iingat. Kung hindi tayo lalabas, mamatay din ang ekonomiya at babagsak ang kabuhayan natin. Let’s go out with caution, ingat para sa sarili natin at para sa iba.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with