^
Sitcom nina John at Ellen, natabunan ni Derek
Derek at Ellen

Sitcom nina John at Ellen, natabunan ni Derek

YUN NA! - Jun Lalin (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2021 - 12:00am

Sa next Sunday na ang pilot telecast ng sitcom nina John Estrada at Ellen Adarna na John En Ellen na mapapanood sa TV5, 7:00 p.m. pero napansin mo ba, Ateng Salve, mas nasusulat sina Ellen at Derek Ramsay dahil pilit silang inili-link dahil sa get-together dinner na ibinigay kamakailan ng hunk actor sa kanyang new house sa isang posh village sa south of Metro Manila?

Sabi sa akin ng isang insider ng John En Ellen, sa cycle 1 ng kanilang taping sa Antipolo, Rizal, lumabas naman daw kaagad ang chemistry nina John and Ellen, kaya maganda rin daw na mapag-usapan ang team-up nila sa new sitcom ng TV5.

Samantala, marami naman ang umaasang sana ay mag-click ang John En Ellen at huwag itong matulad sa ibang shows ng TV5 na after one season lang ay nawala na.

Sana ‘yung interest ng mga fan sa pagkaka-link ni Ellen kay Derek ay mauwi sa interest nila na panoorin naman ang sitcom ng ex ni John Lloyd Cruz.

Agree, Ateng Salve?!

Kapatid ni Janine sa pagkanta muna tututok

May mga nagtatanong – sasabak din ba si Diego Gutierrez sa acting like his Ate Janine Gutierrez? Maganda raw kasi kung magkakasama sa isang acting project sa ABS-CBN sina Diego at Janine lalo na at pareho na silang contract stars ng Kapamilya network.

Pero ang sabi ni Leo Dominguez na parehong manager nina Diego at Janine, sa pagkanta raw muna magpo-focus ang binata.

Actually, maraming nagagalingan kay Diego kapag kumakanta siya sa ASAP Natin ‘To. Next month nga, ilo-launch na ang kanyang recording career.

Siguro ang maganda ay kung magdu-duet sila ng kanyang Ate Janine sa ASAP Natin ‘To kapag formal nang in-introduce sa nasabing show ang dalaga bilang newest Kapamilya star.

Ang bongga!

Mga artista, pinagkakakitaan na rin ang video greetings

Kung type n’yo ng video greetings from some stars, may mga kompanya na na puwede kang lapitan para sa bagay na ‘yon?

Kung noong araw ay nauso ‘yung text messages, pati ring tones ng mga artista kung saan ay kailangan mong mag-subscribe, ngayon naman, kung type mo na kunan sila ng video greetings, mas madali mo na magagawa ‘yon sa pamamagitan nga ng ilang kompanyang gumagawa no’n. Ilang talent manage­ment companies nga ang naka-tie-up ngayon sa mga ganoong company.

May share ang mga artista sa video greetings na ginagawa nila dahil may bayad nga ‘yon. In fairness, nag-e-effort din naman kasi ang mga artista sa ginagawa nilang ‘yon, kaya may ilang nakaisip nga ng idea na gawing business ‘yon.

May tatlong companies na kilala ako na mara­ming mga artista na ang naka-tie-up sa kanila at nag-a-avail ng ganoong service.

Kapag may mga nagpapadala nga ng private message sa akin at nag-a-ask ng help para magpa-video greet sa ilang artistang malalapit sa akin, sina-suggest ko sa kanila na makipag-coordinate na lang sa mga kompanyang ‘yon.

DEREK RAMSAY ELLEN ADARNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with