^
Janine, opisyal na ang pagiging kapamilya
Janine

Janine, opisyal na ang pagiging kapamilya

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - January 16, 2021 - 12:00am

‘Soar high my love’ – Rayver

Ceritified Kapamilya na si Janine Gutierrez.

Kahapon ay pumirma na siya ng kontrata with the bosses of Kapamilya Network - Dreamscape head Deo Endrinal, ABS-CBN bosses Carlo Katigbak, Mark Lopez, Cory Vidanes, Ric Tan and her manager Leo Dominguez.

Last December 28 nang ilabas naming wala na si Janine sa GMA 7 at lilipat na nga ng network.

Kung sabagay ang tagal din kasi niyang walang work sa Kapuso Network.

Walang nire-release ang ABS-CBN kung anu-anong mga programa ang gagawin ni Janine ngayong Kapamilya na siya but definitely sa team siya ng Dreamscape ni Deo na may hawak ng malala­king teleserye ng network kabilang na ang FPJ’s Ang Probinsyano.

Bongga rin si Janine habang ang iba ay nagpuntahan sa ibang network dahil sa kawalan nito ng franchise, siya naman ay pumirma ng kontrata sa ABS-CBN.

Iniwan niya sa GMA 7 ang karelasyong si Rayver Cruz na lumaki sa Dos bago naging Kapuso. Ang mensahe nito kay Janine : “Soar high my love, will always be your number one fan.”

 

 

 

 

 

JANINE GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with