^
Lovi, naka-quarantine pa pagkagaling sa piling ng karelasyon
Lovi Poe at Montgomery Blencowe

Lovi, naka-quarantine pa pagkagaling sa piling ng karelasyon

YUN NA! - Jun Lalin (Pilipino Star Ngayon) - January 16, 2021 - 12:00am

Almost a week na since nakabalik sa bansa si Lovi Poe. Bago mag-Christmas ay umalis nga pa-Los Angeles, California si Lovi para makasama during the holidays ang boyfriend na si Montgomery Blencowe na isang kilalang Hollywood producer.

Of course, masaya ang holiday break ni Lovi dahil sobrang open naman siya sa relasyon nila ni Montgomery.

Actually, ang mga fan ni Lovi, sob­rang gusto si Montgomery for her.

Siyanga pala, for now, nagkwa-qua­rantine pa si Lovi at masunurin naman sa bagay na ‘yon ang GMA 7 star. After her quarantine, paghahandaan na niya ang second cycle ng lock-in taping ng Kapuso series nila ni Benjamin Alves, ang Owe My Love, na produced ng GMA News & Public Affairs.

Ang tsika, almost two months ang next lock-in taping ng cast and staff ng nasabing series.

Ang Owe My Love ang isa sa new shows na handog ng Kapuso network ngayong 2021.

In fairness sa GMA 7, ang dami nilang new shows na mukhang interes­ting huh!

Ang bongga!

Ibang fans ni Miho, ‘di tanggap ang pagse-saleslady ng idolo

Naku, Ateng Salve, ilang beses ko na rin naikuwento sa ‘yo na natutuwa ako sa ibang mga fan ng Pinoy Big Brother alumna na si Miho Nishida dahil kapag naisusulat ko ang kanilang idol, sobrang thankful sila at ipino-post pa nga ang tungkol doon.

Pero may “nagsumbong” sa akin na may ibang mga fan pala si Miho na iritable raw dahil naisulat ko na nagpunta ng Japan ang reality TV star at nagse-saleslady muna para sa isang cosmetics brand para matustusan   ang kanyang ina’t anak na naiwan dito sa Philippines.

Hindi raw nagustuhan ng ibang mga fan ni Miho ang tungkol doon.

Pero, Ateng Salve, what’s wrong with that? Hello! At least, marangal na trabaho ‘yon at ginagawa ‘yon ngayon ni Miho para masuportahan ang kanyang ina’t anak, ‘noh?!

At least, kapuri-puri si Miho na kahit mag-saleslady sa Japan ay kayang gawin para sa kapakanan ng mga mahal sa buhay, mag-react ang ibang mga fan ng PBB alumna kung may masama akong ikinomento. Pinuri-puri ko pa nga siya sa ginawa niyang ‘yon, ‘noh?!

Saka she’s doing that naman habang wala pang siguradong trabaho rito sa atin at hindi ko naman sinabing forever na niyang ginive-up ang kanyang showbiz career, huh!

Nilinaw naman ng manager ni Miho na si Therese Ramos na once na kailangan na ang reality TV star para sa isang proyekto rito sa atin ay uuwi kaagad ng bansa ang Kapamilya star.

At least, hindi maarteng tao si Miho, kaya sa ibang mga fan niya na walang magawa at nag-uumarte at parang hindi tanggap ang pagse-saleslady ng kanilang idol, magsitigil kayo!

Saka please, tigilan n’yo ang pang-iintriga sa entertainment press lalo na sa mga mababait sa idol n’yo, ‘noh?!

Linawin ko lang, ibang mga fan lang ni Miho ang tinutukoy ko at hindi lahat. ‘Yun na!

LOVI POE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with