^

PSN Showbiz

Paghahabol ng aso ni Heart sa gitna ng kalsada, nabuking ni Chiz

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Paghahabol ng aso ni Heart sa gitna ng kalsada, nabuking ni Chiz
Heart at Chiz

Ayaw sanang ipaalam ni Heart Evangelista sa kanyang asawang si Governor Chiz Escudero ang ginawa niyang paghabol sa kanyang asong si Che Che sa gitna ng kalye na muntik pa siyang maaksidente. Dala raw kasi ni Heart ang aso, pero tumalon iyon sa kanilang sasakyan. Kahit na naka-high heels, hinabol niya ang aso.

Tiyak daw na makakagalitan siya ni Governor Chiz, eh maitatago pa ba iyan eh lumabas na sa social media.

Pero kung kami si Governor Chiz, baka pingutin pa namin si Heart. Naiintindihan namin ang kanyang pagmamahal sa mga hayop, pero iyong tumakbo ka sa isang kalyeng napakaraming sasakyan, aba eh dapat isipin mo naman ang sarili mong kaligtasan. Kung may nangyari ba sa kanya, malalaman ba noong aso na nadisgrasya ang amo niya dahil sa kanya? Siyempre hindi naman dahil aso siya.

Iyan ang dapat na tandaan hindi lamang ni Heart kundi ng lahat. Iyong pagtakbo niya sa gitna ng kalye para habulin ang isang aso ay hindi lang delikado para sa kanya. Delikado rin iyon para sa ibang tao. Halimbawang may driver na nabigla sa pagtakbo niya, nakabig ang sasakyan at may nabanggang iba, eh ‘di marami pa ang nadisgrasya, dahil lamang iyon sa isang asong nagtatakbo.

Ang ginawa naman ni Heart, iyon ay matatawag na “immediate reaction,” masasabing nagawa lamang niya dahil nabig­la siya. Hindi na siya nakapag-isip kung ano ang gagawin niya sa sitwasyong iyon, kasi nga hindi naman niya akalain na tatalon ang kanyang aso.

May nakatakdang safety measures para sa ganyan. Ang mga alagang ha­yop, at natutunan namin iyan mula sa aming vet noong may mga alaga pa kaming pusa, kailangang nakalagay sa isang animal carrier kung ilalabas ng bahay. Bagama’t may mga taong gusto nilang karga nila ang alaga nilang hayop, hindi tama iyon para sa kaligtasan na rin ng hayop at mga tao rin.

Marami ka pang makikita ngayon, iyong mga alagang hayop karga-karga sa loob ng mall. Ano ba ang gagawin ng hayop sa isang mall? Bakit kaila­ngang dalhin sa mall? Hindi ba nila alam na nakaka-stress sa isang hayop na wala siya sa kapaligirang nakasanayan niyan?

Iyan ang mga maling practice na nakikita naming madalas na ginagawa ng mga nag-aalaga ng hayop, dahil sa “sobrang pagmamahal sa alaga nila.”

Nova, pinarangalan ng Santo Papa

Si Novellita Gallegos, o mas kilala natin sa tawag na Nova Villa ay isa nang “condecorado” ibig sabihin binigyan ng parangal ng Santo Papa. Iginawad kay Nova ang parangal na “Pro Ecclecia et Pontifice,” ibig sabihin, “para sa simbahan at sa Santo Papa.” Iyan ay iginagawad sa mga laiko na may nagawa para sa simbahan at pananampalataya. Si Nova ay nai-nominate ng bishop emeritus ng Novaliches na si Bishop Antonio Tobias.

Si Nova ay naglilingkod sa San Lorenzo Ruiz Parish, sa Diocese ng Novaliches bilang kasapi ng Mother Butler Guild. Bukod doon, tumutulong pa diumano siya sa marami pang gawain ng parokya.

Ang karangalang ipinagkaloob ng santo papa ay iginawad sa kanya ng Obispo ng Novaliches na si Bishop Robert Gaa DD, kasama rin si Bishop Emeritus Antonio Tobias DD at ang kanilang parish priest na si Rev. Fr. Nino Etulle.

Ang seremonya ng pagtatalaga bilang condecorado ay ginanap kamakalawa, Enero 14 sa parokya. Dumalo rin ang iba pang mga pari ng Vicariate ng San Isidro Labrador. Naroroon din ang isa pang komedyanteng condecorado rin, si AiAi delas Alas.

Basketball player na pogi, nilinaw ang pagkakasali sa kaso ni Dacera

Ngayon, duda ang mga tao sa sinasabi ng mga kaibigan ng namatay na flight attendant na si Christine Dacera tungkol sa pangyayari. Inamin nila na lumipat sila kasama ni Christine doon sa room 2207 ng hotel. Sinabi nila na ang mga dinatnan nila roon ay puro baklang hindi na nila kaedad, at ang ginamit pa ngang salita ay “matatanda na.” Tapos idinugtong pa nila na “walang pogi doon.”

Ngayon lumitaw na ang isa pala sa nasa room 2207 ay ang bata pang basketball player na si Justin Rieta. Bata pa si Justin. Hindi naman siya bakla. At sa totoo lang marami siyang fans kahit na baguhan dahil pogi siya. Lumutang na si Justine, nagtungo siya sa NBI at nagpahayag na sa tingin niya walang naganap na krimen noong gabing iyon. Bagama’t sinabi niyang hindi niya talaga kilala si Christine o ang mga baklang kasama noon.

Palagay namin ang magkakakilala lang ay iyong mga bakla, kaya nagkalipatan ng room.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with