^
Aktres na si Nova Villa tumanggap ng award mula kay Pope Francis
Litrato ng aktres na si Nova Villa
Mula sa opisyal na Facebook page ni Nova Villa

Aktres na si Nova Villa tumanggap ng award mula kay Pope Francis

(Philstar.com) - January 15, 2021 - 5:59pm

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng beteranong aktres na si Nova Villa ang kanyang pagtanggap ng isang parangal mula mismo sa Vatican — isang city state na pinamumunuan ng pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katolika.

Sa panayam kay Nova (Novelita Gallegos) ng Radio Veritas, sinabi niyang sining ang nais niyang gamiting lunsaran ng mga misyong iniatang sa kanya ng Panginoon.

"Yung ambisyon kong mag-artista became a mission, lahat ng ginagawa ko sa showbiz ay may kaakibat na misyon," sabi ng aktres.

"Bukal sa puso ko yung anything na ginagawa ko for God. I’m happy to do it kahit mahirap."

Ang Pro Ecclesia et Pontifice medal ay ang pinakamataas na gantimpalang ibinibigay ni Pope Francis sa isang layko — o mga relihiyosong hindi "ordained" gaya ng mga pari.

Pinakakilala si Gallegos sa kanyang pagganap bilang "Azon" sa Kapamilya comedy show na "Home Along da Riles" noong Dekada '90.

Umabot na sa mahigit limang dekada ang kanyang makulay na karera sa industriya ng showbiz.

"I think, I am just an instrument of God’s grace to people by being nice to people, giving smile at them, you’re giving them hope," saad pa ng artista.

Kaugnay niyan, sinabi naman ni Novaliches Bishop Roberto Gaa na inaasahang maging "saksi ng mabuting balita" at "magandang halimbawa" ng pagiging Kristiyano ang mga papal awardees gaya ni Gallegos.

"Ang papal award ay tatak ng paglilingkod sa simbahan na may kaakibat na malaking responsibilidad. They are shining example sana paano mamuhay bilang kristiyano," wika ng obispo.

Hunyo 2019 nang inomina ni Novaliches Bishop Emeritus Antonio Tobias si tita Nova  para sa nasabing parangal, bukod pa sa anim na indibidwal mula sa kanilang diyosesis.

Huwebes nang ibigay kay Gallegos ang nasabing award sa San Lorenzo Ruiz Parish, Tandang Sora Quezon City sa pangunguna ni Gaa.

Maliban sa kanya, kilala ring awardee ng Pro Ecclesia et Pontifice medal ang komedyanteng si Ai Ai delas Alas at National Artist for Music na si maestro Ryan Cayabyab. — James Relativo

NOVA VILLA POPE FRANCIS VATICAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with