^

Ali, ayaw pag-usapan ang nangyari sa kanya sa DZBB

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - January 15, 2021 - 12:00am

Iniiwasan na ni Ali Sotto na pag-usapan pa ang pagkawala niya sa programa nila ni Arnold Clavio sa DZBB. Umalma lang siya sa isyu ng sibuyas dahil hindi naman daw talaga totoo iyun at nakikiusap na si Ali na huwag na lang palakihin pa dahil masaya na raw siya ngayon.

Marami nga ang nagkokomentong nami-miss nila tuwing umaga si Ali, kaya hinihintay nila ang kanyang pahayag kung bakit hindi na siya napapanood sa naturang programa.

Pero tila may mga nakakaalam sa totoong kuwento kaya natatawa na lang siya kapag may nababasa siyang komento sa kanyang social media account na alam ang totoong pangyayari.

Pinutakti kasi ng mga tanong ang isang post niya sa Instagram account mga tatlong araw na ang nakaraan.

Ipinost niya ang quote card na; “Never accept anything less than you deserve. Remember, you teach people how to treat you.”

Nasa caption nito; “Huwag na huwag mong tanggapin ang menos sa nararapat para sa iyo. Tandaan: itinuro mo sa iba kung paano kang tratuhin. Magpapatuloy kung ano ang iyong papayagang magpatuloy. Huwag kasing maging doormat.”

May ilang comment na binanggit si RS. Obviously na si Rowena Salvacion na kasamahan din ni Ali doon sa DZBB ang tinutukoy. Pero hindi na nagkomento si Ali kaugnay dito.

Huwag na raw sanang palakihin pa. Sabi nga niya; “Tayo kasi ang nagbibigay ng news. Huwag tayo ang nasa news.”

Baguhang aktor, tanggap ang kasarian

Sa January 22 na mapapanood ang bagong BL movie na Run na sinulat at dinirek ni Mel Magno na hango sa kuwento ng buhay niya. Mapapanood ito sa KTX.Ph na sa halagang P199 na ticket ay dalawang araw daw itong mapapanood sa naturang live streaming app. Bida sa pelikulang ito ang indie actor na si JR Versales at Keann Johnson na nakilala sa MMFF entry na The Boy Foretold by the Stars.

Nagpapasalamat si Keann sa produksyon ng The Boy…dahil ang laki nang nagawa nito sa kanyang career. Hindi rin isyu kay Keann kung ano ang sexual orientation ng isang tao.

Nang makatsikahan nga namin siya sa DZRH noong nakaraang Martes ng gabi, diretsahan niyang sinabi na tomboy ang Mommy niya. Kaya sinagot niya ang tanong na kung sakaling bading pala siya, magi­ging isyu ba ito sa kanilang pamilya. “I know naman na my family will accept me for whichever sexuality I go towards.

“My Mom also is a lesbian and she’s part of LGBTQIA community. So parang ang bias naman ni Mama kung you know…she’s a lesbian and part of the community tapos biglang sabihin ko ‘Ma. I’m interested in men and sabihin nya, no no you have to be straight. Grabe!”

Aktres na suplada, takot masalisihan sa guwapong karelasyon

Napapag-usapan na noon si gandarang young actress na may kasupladahan daw sa pamilya ng guwapong boyfriend niya.

Aware daw si young actress na marami na ang nakakapansin sa kasupladahan niya, pero keber niya. Hindi siya nagpapaapekto! Kung hindi niya type kausapin ang pamilya ng guwapong boyfriend, hindi niya talaga kakausapin.

Minsan ay sinasabihan na raw si guwapong boyfriend ng mga pinsan niya na huwag nang isama ang girlfriend dahil hindi naman sila pinapansin. Pero gusto pa rin naman talaga ni girlfriend na nakakabit siya sa boyfriend niya. Ang importante lang naman sa kanya ay okay sila at nag-uusap ng guwapong boyfriend niya, kahit deadma na sa kanya ang ibang kasama.

Bakit nga ba laging nakakabit si young actress sa guwapong boyfriend? Kasi naman, lapitin daw talaga ng mga magagandang girls si guwapong boyfriend na minsan ay nahihiya yata siyang hindi sila pagbigyan.

DZBB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with