^
Pauleen, iba na ang pananaw sa buhay
Pauleen, Vic at Tali
STAR/ File

Pauleen, iba na ang pananaw sa buhay

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - January 15, 2021 - 12:00am

Sayang naman ‘yung talk show nila Pauleen Luna, Salve. Hindi na sila nag-renew ng kontrata pero nakagawa naman ng impact ang pagsasama nila ninaPokwang at Ria Atayde. Para ngang naging close na barkada sila roon at very at home sa isa’t isa.

Gustung-gusto ko pa naman ‘yung pagiging chatty ni Pauleen at parang enjoy na enjoy siya sa repartee nilang tatlo. At least na-try ni Pauleen ang isang morning show kung saan varied ang topics na nagbibigay ng mga opinyon. Ibang-iba na ngayon ang outlook niya sa buhay, meron na siyang maturity of a mother and wife.

Talagang enjoy siya bilang Mrs. Vic Sotto at kita mo ang happiness na iyon sa kanyang mukha.

Well, sana nga magkaroon uli ng talk show si Pauleen.

Samahan ng movie editors and writers, mas pinatibay

Natutuwa naman ako na kahit may pandemic, busy pa rin ang samahan ng movie editors and writers tulad ng PMPC at SPEED.

Sa ganitong panahon, dapat lalo pang maging matibay ang bigkis ng mga samahan dahil nga mas dapat may protection ang bawat editor and writer. Maganda rin na ipagpatuloy nila ang kaugalian na pagbibigay ng awards sa mga taong karapat-dapat para sa inspirasyon nila sa trabaho.

At kahit na medyo hindi normal ang takbo ng showbiz, dapat lang talaga na nariyan pa rin ang PMPC at SPEED para magbantay at tingnan kung paano mabibigyan ng magandang pagkakataong bumangon ang showbiz.

Saka dapat talaga merong pader na tutulong sa bawat member, together as one, mas malakas sila.

PAULEEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with