^
Maymay, napagkamalang may sakit sa Dubai
Maymay
STAR/ File

Maymay, napagkamalang may sakit sa Dubai

YUN NA! - Jun Lalin (Pilipino Star Ngayon) - January 15, 2021 - 12:00am

Ang sweet naman ng ibang fans ni Maymay Entrata dahil nang minsang parang nanghihina ang dalaga habang nasa Dubai, United Arab Emi­rates, sobrang nag-worry sila.

Pero sabi nga ni Josh Yugen (publisher ng Xpedition magazine at dahilan kung bakit naroroon ngayon ang dalaga), wala raw dapat ipag-alala ang mga nagmamahal sa Kapamilya star dahil ok na ok ito. “Baka pagod lang si Maymay sa video na nakita nila at akala may sakit siya, kaya sobra silang nag-worry. Sobrang active kasi sa social media ng mga fan ni Maymay,” sey ni Yugen sa akin nang magka-chat kami.

That day raw kasi ay sunud-sunod ang Zoom video chat ni Maymay sa mga nag-online block screenings (marami kasi) ng pelikula nila ni Edward (Barber), ang Princess DayaReese.

Para naman sa ibang mga fan ni Maymay lalo na sa isang nakabasa sa isinulat ko na around UAE ang pictorial ng dalaga at nag-react kaagad dahil ang nakita lang niyang video na ipinost ni Josh ay noong nasa studio sila, huwag OA (over acting) sa pagre-react at parang kinukuwestiyon ang isinulat ko, ‘noh?!

Si Maymay mismo ang nagsabi na happy siya na habang nagpi-pictorial ay makakapamasyal na rin siya sa UAE. ‘Yung studio pictorial, isa lang ‘yon sa location dahil ang alam ko, isang linggo ang pictorial ni Maymay at bonggang-bongga ‘yon at lalabas nga sa Xpedition magazine na si Josh din ang publisher.

Please, matutong mag-wait at huwag masyadong atat, ‘noh?!

Kalma-kalma lang!

Production nina Pops at Jojie, may fitness program na rin

Sa January 23, 10:30 a.m. magpa-pilot telecast ang third show na produced ng ShowBoxx Media nina Pops Fernandez at Jojie Dingcong for Colours channel ng CignalTV, ang workOUT from HOME.

So, busy na naman ang mag-business partners para sa promotions no’n.

Inihahanda na nga ang presscon ng workOUT from HOME na sina Roxanne Barcelo, Hideo Muraoka, Noel Agra at Sam Ajdani ang hosts/fitness trainers.

Actually, Ateng Salve, excited akong makatsikahan si Roxanne para mausisa siya tungkol sa kanyang engagement at pagpapakasal last year. Wala pa kasing masyadong details tungkol doon.

Sa presscon kaya ng workOUT from HOME ay willing si Roxanne na i-share ang tungkol sa bagay na ‘yon?

Well, sana nga.

Anyway, excited sina Pops at Jojie sa third show nila for Colours channel.

Actually, ang mga taga-CignalTV naman mismo ay excited sa partnership nila sa ShowBoxx Media production company nina Pops at Jojie.

Maganda rin kasi ang feedback sa eXs & whYs with Pops and Martin show ng Concert Queen with her ex-husband, Martin Nievera.

Sobrang happy nga ang fans nina Pops at Martin sa weekly show na ‘yon na napapanood sa Colours din tuwing Saturday, 9:00 p.m.

Sila rin ang producers ng Louie O Live with Robin Nievera tuwing Sunday, 9:00 p.m.

At may 4th show pa raw na ipo-produce sina Pops at Jojie in partnership with CignalTV. Ang bongga lang. ‘Yun na!

UAE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with