^

PSN Showbiz

Sharon, nagalit nang tawaging balyena

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Sharon, nagalit nang tawaging balyena
Sharon
STAR/ File

Nakipagpalitan ng sagot si Sharon Cuneta sa isang basher na nag-comment sa kanyang picture na inilabas sa social media na “ano iyan balyena.” Parang pabiro pero sarcastic ang sagot ni Sharon na “dugong naman.”

Hindi kami sa kani-kanino, pero iyang ugali ng mga tao na body shaming, hindi lamang masamang asal iyan kundi labag sa batas. Kahit na pagkaganda-ganda mo, wala ka pa ring karapatan na hiyain ang iba.

Sa isang banda, siguro may mali rin naman si Sharon nang i-post pa niya ang picture na nakasuot siya ng bathing suit. Kasi kung noong araw iyan na bata pa siya, aba eh kahit medyo mabigat siya walang magsasalita nang ganyan, lalo na noong panahong sikat na sikat siya.

Pero ngayon naman kasi, 55 na si Sharon at talagang may kabigatan, kung iniwasan niya ang mag-post pa ng ganoong picture, wala ring mangyayaring ganyan. May mga bagay na nagagawa natin ang kahit na ano, pero sa tamang panahon.

Daniel, ayaw ibahay si Kathryn na walang kasal

Tama ang values na ipinakikita nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Magandang halimbawa hindi lamang sa kanilang fans kundi sa lahat ng kabataan, ang sinasabi nilang hindi sila magli-live in. Magsasama lang diumano sila kung sila ay kasal na.

Alam ng lahat na ilang taon na rin naman silang magsyota. Pero dahil sa alam nila kung ano ang tama, at bilang respeto na rin sa isa’t isa, lalo na nga kay Kathryn bilang isang babae, hindi sila nagli-live in.

Tama naman iyon dahil kahit na anong tingin ang gawin ninyo, tagilid ang babae sa isang live-in situation. Kung dumating kasi ang isang panahon na hindi na sila magkasundo, naghiwalay sila, ano nga ba ang mawawala sa isang lalaki.

Marami tayong nakikita, mga bata pa live in na. Tapos kung nag-break, ang babae ang hahabul-habol. Mabuti kung balikan siya. Eh kung hindi na, ano ang kababagsakan niya?

Maraming mga artista na ang nakita natin na nagkaroon ng anak kahit na hindi kasal, nang isplitan sila ng boyfriend hindi ba sila ang nagdala ng burden ng pagpapalaki sa kanilang anak nang mag-isa, at hindi biro lalo na sa panahon natin ngayon ang maging isang single parent.

Iyang pakikipag-live in, hindi romantic. Katuna­yan iyan ng kahinaan ng isang tao na hindi maru­nong magpigil sa sarili.

Kaya sinasabi naming magandang halimbawa ang KathNiel, kasi alam nila kung hanggang saan lang ang dapat na hangganan ng kanilang love affair. Katunayan iyan na alam nila ang kanilang responsibilidad sa isa’t isa at responsibilidad na ma­ging magandang halimbawa sa kanilang fans.

Iyon ang madalas na nakakalimutan ng mga artista. Iyong responsibilidad nila ay hindi lamang sa kanilang sarili kundi ganoon rin ang kanilang responsibilidad sa publiko. Sinuportahan sila ng publiko, at kailangan nilang magpakita ng isang magandang halimbawa sa mga taga­hanga nila.

Tingnan ninyo, iyong mga hindi magagandang halimbawa, mabilis lumubog. Bakit nga hindi, eh natatauhan din naman ang fans na mali ang ginagawa nila, at dahil ganoon ay hindi sila dapat hangaan.

Dating male star, nadiskubreng ‘di valid ang kasal sa pangalawang asawa

Lumalabas ngayon na hindi talaga kuntento ang isang dating male star sa kanyang buhay. Nagpa-annul siya ng kanyang kasal sa misis niya na sinasabi niyang hindi naging tapat sa kanya. Tapos pinakasalan niya ang ex-girlfriend din, na alam niyang naging asawa ng isang Japanese businessman dahil may anak nga iyon doon, pero hiwalay na. Nagpakasal silang dalawa pero nalaman niya noong bandang huli na hindi pala valid ang kanilang kasal. Kasi iyong naging asawa niya ngayon, ikinasal na pala noong araw sa ibang male star na kasama sa isang sikat na afternoon youth program sa telebisyon.

Ngayon, ang asawa niya ay hindi makakuha ng CENOMAR para mapatunayang valid ang kanilang kasal. Kaya ang feeling ng male star, “naloko” siya.

Nagsasama pa naman sila ng “misis” niya. Pero inaamin niyang wala na siyang gana roon at kung magkakaroon ng pagkakataon, hihiwalayan din niya iyon, after all hindi valid ang kasal nila.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with