Jinkee, hindi nagbago ng ugali
Jinkee

Jinkee, hindi nagbago ng ugali

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - January 14, 2021 - 12:00am

Isa sa nababaitan ako na celebrity ay si mama Jinkee Pacquiao. Kahit saan natin siya makita, lagi siyang naka-smile, tahimik lang. Wala akong napi-feel na yabang sa kanilang magkapatid, lahat sila para ngang shy pa ‘pag nakakausap mo. Talaga lang hindi mo puwedeng pantayan ang mga gamit niya na mostly nga ay regalo sa kanya ng friends nila ni Champ Manny Pacquiao.

Basta kung anuman ang posting niya, hindi masasabing pagyayabang iyon, ipinapakita niya lang na naa-appreciate niya ang mga regalo sa kanya. At wala naman akong makitang masama kung branded ang mga gamit niya, eh kaya naman niyang bumili at asawa siya ni Sen. Manny.

Maniwala kayo sa akin, mula pa noong nag-uumpisa pa lang sumikat si champ Manny, hanggang ngayon, wala akong nakitang pagbabago kay Mama Jinkee, actually mahiyain siya, tahimik lang. Never mong maririnig na nagyabang. Hayaan nating isuot niya, gamitin ang mga bagay na binili at binigay sa kanya. Karapatan niya iyon, kanya iyon. Kung nagagandahan tayo ok, pero para pintasan dahil ginamit niya, para namang unfair na.

Jinkee deserves all these things, asawa niya ang Champion at ngayon ay senador, so anong problema? Let her enjoy all these wonderful things, kanya iyon. Tumingin lang tayo at mag-appreciate, huwag nang nega, magkaka-COVID-19 pag ganu’n.

John, naging tulay nina Derek at Ellen

Cute sa akin ‘yung lumabas na tuksuhan tungkol kina Derek Ramsay at Ellen Adarna. Para bang malay mo nga, baka sila ang swak ‘di bah? Saka pareho naman silang ­single, puwedeng mag-mingle. Mukha pang pareho ang outlook sa buhay, fun at hindi masyadong mabigat ang pagdadala ng problema. Siguro dahil mag-BFF sina John Estrada at Derek Ramsay, at magkasama sa isang project sina John at Ellen, parang ang naging tulay sa dalawa ay si John.

Cute talaga dahil bagay, parehong physically hot, parehong articulate at parehong may sense kausap. Who knows baka talagang pinagtagpo ng pagkakataon sina Derek at Ellen.

Baka sa kaiikot nila, now na nagtagpo sila, baka talagang kapalaran na ‘di bah! At huwag na tayong maging negatibo sa paghusga, hayaan natin kung sakali at talaga ngang may spark, go go.

Ganyan naman minsan ‘di bah, mabibigla ka na lang, na ito pala ang para sa akin, bakit ngayon ko lang nakita. If there will be happiness for both, let it be. Parehong deserving sina Derek at Ellen to find happiness, pareho silang on the lookout for love, let it grow kung dapat.

JINKEE PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with