^

Aktor na may karelasyong beki, walang kaangasan kahit asensado na

UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - January 12, 2021 - 12:00am

Totoong kinaiinggitan ngayon sa kanilang bayan ang isang male personality na parang nanalo sa lotto sa ganda ng kapalarang dumating sa kanya.

Mula sa pagta-tricycle ay de-kotse na siya ngayon, at huwag tawaran ang klase ng sasakyang meron siya, milyunan ang halaga.

Siya ang binabantayan ngayon ng kanyang mga kababayan, mula kasi sa isang maliit na bahay ay bonggang-bongga na ang kanilang tirahan ngayon, siyempre’y inisponsoran ‘yun ng kanyang karelasyong sikat na personalidad.

Pero kung may mga naiinggit sa male personality ay meron ding masaya para sa kanya. Mahusay raw kasing makisama ang lalaki, walang kayabang-yabang, kahit pa yayamanin na siya ngayon.

Kuwento ng aming source, “May dinalaw kaming friend na maysakit sa mismong lugar kung saan nakatira si ____(pangalan ng male personality). Malaki na nga ang ipinagbago ng kabuhayan ng family niya.

“Kuwento kasi ng mga tagaroon, e, nagtitinda lang pala ng mga kakanin ang pamilya niya. Ang ginamit nilang puhunan, e, ang mga napapanalunan ng male personality sa mga sinasalihan niyang male contest,” umpisang kuwento ng ­aming impormante.

Puro positibong kuwento ang narinig ng aming source, pambalanse ‘yun sa mga kuwentong may kakambal na inggit, narito ang kanyang litanya.

“’Yung mga nakakuwentuhan namin, e, kapani-paniwala, dahil sabay-sabay silang lumaki. Sa iisang school din sila nag-aral. Natural na raw ang kabaitan nu’ng male persona­lity.

“Wala siyang nakakaaway sa lugar nila, masipag din siya, tumutulong sa maliit na negosyo ng pamilya nila. At kahit ngayong sinuwerte na siya, e, wala pa rin siyang kaangas-angas.

“Hindi raw totoong kapag umuuwi siya nang nakakotse, e, napaka­yabang na niya. Humihinto pa raw siya kapag may mga kakilalang nadaraanan.

“Pinupuntahan pa rin niya ang mga kaibigan niya, kapag may time, e, naglalaro pa nga sila ng basketball, wala siyang ipinagbago, humble pa rin siya.

“Hindi na raw nila inuusisa kung bakit siya nakipagrelasyon sa gay, basta ang mahalaga para sa kanila, e, gumanda ang buhay ng kababata nila.

“At matulungin pala ang male personality, marami siyang natutulungang nangangailangan sa bayan nila. Kaya masuwerte ang karelasyon niyang beki, hindi manggagamit ang dyowa niya!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Willie, ingat na ingat na ipakita ang kabuuan ng palasyong bahay

Ngayon namin mas naiintindihan kung bakit umiiwas si Willie Revillame na pakunan nang detalyado ang kanyang mga bahay sa telebisyon man o sa pamamagitan ng social media.

Pumayag siya nu’n para sa isang magazine, pero hindi niya idinedetalye ang mga bahagi ng kabahayan, malaking imbitasyon nga naman ‘yun para sa mga taong hindi parehas sa buhay.

Meron siyang retrato sa harapan ng kanyang bahay, sa sala, sa swimming pool, pero wala siyang ibinibigay na impormasyon kung saan ang pasukan at labasan.

May mga taong binabantayan kung paano nila mananakawan ang bahay ng mga personalidad, tulad ng nangyari kay Xian Lim, na nagpatikim ng coverage ng bahay nito.

Sabi ni Willie, “Buong linggo na akong nasa TV, kaya ang mga bahay na ipinagagawa ko, e, para lang sa akin. Kumbaga, ito ang pribado kong mundo, sa akin na lang sana ‘yun, hindi para sa publiko.”

Kailangang mag-ingat ang mga artista, huwag na huwag nilang idedetalye kung nasaan ang mga pintuan ng kanilang bahay, matitinik ang mga magnanakaw lalo na ngayong panahon ng pandemya.

‘Yun ang kanilang inaabangan, ‘yun ang minamaster nila, pati ang kung ilang tao ang nakatira ay inaalam ng mga halang ang kaluluwa.

Komento uli ng host ng Wowowin, “Masarap talagang ipakita ang resulta ng pagsasakripisyo mo sa pagtatrabaho, pero kung maiiwasan, e, huwag na lang.

“Pinaghihirapan mo ang lahat, hindi mo naman nakuha ‘yun nang sandaling panahon lang, kaya kung hindi maganda ang kalalabasan, iwas ka na lang,” sabi niya.

Hindi na matatawaran ang mga naipundar ni Willie, basta nakaipun-ipon siya ay pagbili agad ng ari-arian ang kanyang inuuna, mga propyedad na hindi na para sa kanya kundi para sa kanyang mga anak.

“Lahat ng ito, e, mawawala. Sa isang iglap lang, kapag hindi mo inalagaan, e, mauuwi rin sa wala. Saka kapag nagpaalam tayo sa mundo, e, wala naman tayong madadala.

“Ipinanganak tayong hubad, ganu’n din tayong uuwi, wala tayong madadala,” makabuluhang sabi pa ni Willie Revillame.

ACTOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with