^
BL series, tuloy ang pananalasa!
Tony Labrusca at JC Alcantara

BL series, tuloy ang pananalasa!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - January 12, 2021 - 12:00am

Finally, matutuloy na rin ang film project na gustung-gustong gawin ni Roderick Paulate.

Nabanggit ito ni Roderick nang nag-surprise siya sa guesting ni Cong. Vilma Santos-Recto sa online show na 2WAD ni Allan Diones.

Sabi pa ng comedian/TV host ikukuwento raw niya kay Cong. Vi ang project na ito dahil muli siyang gaganap na nakakatawang bading sa isang full-length movie.

Kasalukuyang binubuo na ngayon ang casting na ipu-produce ng T-Rex Productions at ididirek ni direk Julius Alfonso. Bukod pa rito ay binubuo naman daw ng Heaven’s Best Entertainment  ang isa pang kabadingan na pelikulang isinulat at ididirek ni Joel Lamangan, na pinamagatang Ang Huling Bakla sa Balatlupa.

Kaya tuluy-tuloy pa rin ang mga BL movie pagkatapos nag-hit ang ilang L series.

Gagawing pelikula na nga ng Black Sheep ang Hello Strangers na pinagbibidahan nina Tony Labrusca at JC Alcantara. Pati ang nagpasikat kina Kokoy de Santos at Elijah Canlas na Gameboys ay ikakasa na rin daw ang movie version at ang book two nito.

Maituturing na successful naman ang BL movie na The Boy Foretold by the Stars kahit hindi pa ganun kalakas ang online showing ng katatapos ng Metro Manila Film Festival. Maganda ang feedback ng pelikula at dito nga nailunsad ang bagong mukha na puwedeng pang-leading man na si Keann Johnson. Ang latest na nabalitaan namin ay gagawin na raw siyang pang-lead actor sa mga susunod na film projects ng Star Cinema o Black Sheep.

Kaya mukhang hindi ito papayagang sumali sa promotion ng isa pang BL movie na Run na kung saan nai-shoot niya ito bago pa ang showing ng The Boy Foretold by the Stars. Si direk Mel Magno ang nagsulat at nagdirek nito na nakatakda nang mapanood sa KTX.Ph ngayong buwan ng January.

Base sa trailer na ipinakita, dalawa silang bida sa pelikulang ito, si Keann at ang isa rin dati sa mga bida sa Seklusyon ng Reality Films na si JR Versales.

Sabi ni direk Mel, hindi naman daw support dito si Keann. Kaya inaasahan pa rin nilang magiging cooperative na ito sa promo ng naturang pelikula.

Male singer, panay ang padala ng sexy photos sa mga actor

May ilang netizens na utang-uta na sa mga blind item na kabadingan. Kaya kayo na ang maghusga kung may bahid ng kabadingan ba itong drama ng magaling na male singer na nakilala sa isang singing competition.

Nagtataka kasi ang mga kasamahan niyang actor at singer din ang iba na kasama niya sa isang show dahil panay daw ang padala niya ng mga topless o minsan naka-sando niya na photos.   

Guwapo naman kasi siya, sexy at proud lang siguro sa ganda ng katawan niya. Pero tatlong aktor na ang nagtatanong bakit pinapadalhan sila nitong mga sexy photos ni male singer. Sagot lang daw niya, “wala lang.”

Matagal nang natsismis na may bahid ng kabadi­ngan itong si male singer at dating na-involve sa isa ring pamintang singer. Kaya wala kaming ideya kung ano ang purpose ng pagpapadala niya ng mga sexy photos niya.

Wala naman tayong magagawa kung iyun ang trip niya.

TONY LABRUSCA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with